fiipino,

Literary: 1, 2, 3

4/07/2017 08:57:00 PM Media Center 0 Comments





Sobrang ganda ng araw ko.

Masarap ang almusal na luto ni nanay.
Paglabas ng bahay, binati lahat ng kapitbahay.
Walang traffic papuntang eskwelahan.
Kasabay ko pa si crush na mananghalian.

Naintindihan ang lesson sa Trigo.
Mukhang perfect ko pa ang quiz sa Philo.
Dalawang chapters na lang sa thesis.
Konting kembot na lang, konting tiis.

Agad na umuwi para magsuri ng akda.
Ngunit ang pila sa jeep ay sobrang haba.
Wala namang magagawa kundi maghintay.
Hanggang sa umikli ang pila’t makasakay.

Alas-singko na nang makasakay ako
Nakakapagod palang tumayo.
Gusto ko sanang umidlip kahit saglit
Pero…

Paglabas ko ng aking pitaka,
Nagulat ako sa aking nakita.
May lumabas na paru-paro,
Walang laman ni piso.

Ako nga’y nataranta,
Dahil malapit nang bumaba.
Hinalungkat ko na buong bag ko.
Walang kahit bente-singko.

“1” Ayan na, malapit na.
“2” Mga binti ko ay handa na.
“3” Takbo!

Pasensya ka na kuya.
Babalikan na lang kita.
Dodoblehin na lang ang bayad ko.

Sa susunod na masakay muli sa’yo.

You Might Also Like

0 comments: