filipino,

Literary (Submission): Oy, Ikaw!

4/07/2017 10:01:00 PM Media Center 0 Comments








Higit isang semestre namin itong pinagtrabahuhan.
Higit 150 na araw na pinagpuyatan.
Kulang ang tulog namin sa magdamagan
Para lamang mabuo ang inyong mga sinasagutan.

Maraming paksa ang pinagpilian.
Sampung notecards ang kinailangan.
Tatlong chapters ang pinagtrabahuhan.
Marami-raming papel ang naubos naming para riyan
Makumpleto lamang ang mga katanungan.

Tapos ikaw, oo ikaw!
Hindi mo sinagutan nang maayos.
Hindi mo man lang binasa ang mga panuto.
Hindi ka ba marunong umintindi?
Nakakainit ka ng ulo!

Sana lang ‘di mo maranasan
Ang hirap na aming pinagdaanan,
Sa pagtatally ng iyong mga kasagutan,
Na hindi matino at hindi maintindihan!

Darating din ang araw na ikaw naman
Ang magpapa-sarbey sa sangkatauhan
Sana maging matagumpay ka talaga!
Sana…
Sana lang talaga!

You Might Also Like

0 comments: