filipino,

Literary: Liham

4/07/2017 08:22:00 PM Media Center 0 Comments





Nagsasawa ka na ba
Sa’king pagluha’t pagtawa?
Na siyang laman
Ng aking mga liham?
Sana hindi,
Pagka’t patuloy akong magsusulat
Dahil at para sa’yo.

Nagpadala ako ng labing-isang liham-
puno ng damdamin,
Mga hinaing, kabiguan,
Kasawian at katanungan,
Na pawang bumubukal sa puso.

Naisulat habang ang isipa’y tila naglalakbay sa kawalan.
Isinatitik ang nararamdaman kasabay ng mga panalangin.
Hinihiling ang mabilis na pagdating ng kinaumagahan.
Hinihiling na mapansin mo ang ipinahihiwatig ng liham kong ito.

Nabilang mo ba ang salitang “Ikaw”
Sa bawat sulat na ipinadala?
Isang daan at apatnapung ulit kong matamis na sinambit
Ang “Ikaw” sa mga liham kong iyon.
Ngunit sa buhay ko,
Nag-iisa ka lamang.

You Might Also Like

0 comments: