beca sinchongco,
Inilunsad ng Pamunuan ng Kamag-Aral (pKA) 3-10 ang Peace Week noong Martes, Abril 4, bilang bahagi ng kanilang core values project.
Unang beses na isinagawa ng pKA ang naturang proyekto na naglalayong ipaunawa sa mga mag-aaral ang limang core values na peace, love, justice, truth, at freedom ng UPIS.
Nakatuon ang mga gawain sa pagpapamulat sa mga mag-aaral tungkol sa iba’t ibang usaping pangkapayapaan. Ilan sa mga inihandang gawain ay ang poster-making contest at pagsasagawa ng peace hour sa mga klase sa Grado 7-10.
Samantala, magkakaroon naman ng poem writing contest, radio station, at historical timeline exhibit ang Grado 3-6.
Nauna nang ipinagdiwang ng pKA ang Love Week noong Pebrero 14-17 kung saan nagkaroon ng mga aktibidad tulad ng Marriage Booth, Freedom Wall, at MC Radio Station. //ni Beca Sinchongco
Peace Week, inilunsad ng pKA

0 comments: