crescencia,
Kailanma’y hindi ako natutong magbilang.
Parating sumosobra ng iilang hakbang.
Kaya’t nang makita nilang sumayaw,
Sumosobra sa ikot, alanganin ang galaw.
At gayong hindi ko sinasadya,
Kapansin-pansin ang pagkakapahiya.
Sila: Isa…
Ako: Isa, dalawa …
Kailanma’y hindi natutong magbilang.
Parating sumosobra ang dapat sakto lamang.
Sa tuwina’y pakikinggan nilang kumanta,
Ngunit nasisintunadong talaga .
At gayong pinipilit nang isip kong lumimot,
Batid ng lahat ang bakas ng lungkot.
Sila: Isa, dalawa …
Ako: Isa, dalawa, tatlo …
Kailanma’y hindi natutong magbilang.
Parati, sa iisang bagay nagkukulang.
Panonoorin mong bumigkas ng mga linya
Ngunit kakapusing bigla sa salita.
At gayong sinubukan kong labis na matuto
‘Di kinaya ng puso na habulin ang sa’yo.
Ikaw: Isa, dalawa, tatlo, apat…
Ako: Isa, dalawa, tatlo…
Literary: Sa Ikaapat
Kailanma’y hindi ako natutong magbilang.
Parating sumosobra ng iilang hakbang.
Kaya’t nang makita nilang sumayaw,
Sumosobra sa ikot, alanganin ang galaw.
At gayong hindi ko sinasadya,
Kapansin-pansin ang pagkakapahiya.
Sila: Isa…
Ako: Isa, dalawa …
Kailanma’y hindi natutong magbilang.
Parating sumosobra ang dapat sakto lamang.
Sa tuwina’y pakikinggan nilang kumanta,
Ngunit nasisintunadong talaga .
At gayong pinipilit nang isip kong lumimot,
Batid ng lahat ang bakas ng lungkot.
Sila: Isa, dalawa …
Ako: Isa, dalawa, tatlo …
Kailanma’y hindi natutong magbilang.
Parati, sa iisang bagay nagkukulang.
Panonoorin mong bumigkas ng mga linya
Ngunit kakapusing bigla sa salita.
At gayong sinubukan kong labis na matuto
‘Di kinaya ng puso na habulin ang sa’yo.
Ikaw: Isa, dalawa, tatlo, apat…
Ako: Isa, dalawa, tatlo…
0 comments: