filipino,

Literary: Sanlibo't Saya

4/07/2017 08:02:00 PM Media Center 0 Comments





Ako lang ba ang nakakamiss sa dating tayo?

Nakakamiss ang isang libong mga letra mula sa mga labi mo na nagsasabing magiging “okay” rin ako.
Nakakamiss ang isang libong minutong paghihintay ko sa pagdating mo sa labas ng bahay ko.
Nakakamiss ang natatanging yakap mo na nakakapawi ng pagod ko mula sa buong araw na trabaho.

Sabi na nga ba,
Dapat na hindi ako nasasanay sa mga bagay na nagmumula sa inyong mga lalaki.
Dapat nga ay hindi ako naakit sa maskara mong “too good to be true”.

Oo. Natauhan na ‘ko.
Siguro nga’y ‘di na talaga natin mahal ang isa’t-isa.
Siguro nga’y pawang nakasanayan na lamang ang mga ito.

Aminin man natin o hindi
Ang relasyon natin ay pawang isang ilusyon na lamang.
Nakakatawa kung paanong

Sa isang libo nating pagkakamali,

At sa isang libong pagbabati,

Isa lang pala ang ating kahahantungan,

Ang hiwalayan.

You Might Also Like

0 comments: