Amelia,

Literary: Bagong Buhay

11/27/2020 07:26:00 PM Media Center 0 Comments




Pagbangon sa umaga,
sa aking pagbaba,
muling mapapatanong,
“Bakit ako’y nagising pa?”

Umaga, tanghali, gabi,
palagi na lang bang mali?
Wala nang naging tama,
ano pa bang magagawa?

Ano ba ako?
Bakit ako naririto?
Bakit nabuhay pa
sa ganitong klase ng pamilya?

Bakit laging ganito?
Walang malapitan,
walang mapagsabihan
ng aking mga nararamdaman.

Pagod na ‘ko!
Ayoko na!
Tama na,
hindi ko na kaya!


Mabibigat na salita,
Sa isip ay ‘di na mawala-wala.
Gusto nang mamahinga
Upang maging malaya.

Tigil, anak. 
Imulat ang mga mata. 
Narito Ako, 
ang tangi mong pag-asa. 

Hayaan mo Akong 
pumasok sa buhay mo. 
Akin itong babaguhin, 
ibigay lang ang tiwala nang buo.

Lumapit ka lamang sa Akin,
Ako’y iyong kausapin, 
mga problema’y Aking diringgin
gumaan lamang ang iyong damdamin.


Tandaan,
ika’y Akin laging gagabayan
bawat pagsubok na dumating,
sasamahan kang harapin.


Sa pagdanas ng mga problema,
may matututuhan ka.
Nang sa iyong pagtanda,
ay tuluyan nang maging handa.


Dahil ikaw ay Akin,
handa Kong ibigay ang iyong pangangailangan
mula sa kasaganaan
ng Aking mga kayamanan.


Kaya ko nang harapin
ang lahat ng pagsubok
sa pamamagitan ng tulong ni Kristo
na siyang nagpapatatag sa akin.

Sa sandaling mapalapit sa
Kaniya, Akin,
Ay tiyak na magiging bagong nilalang.
Wala na ang dating pagkatao,
Ito’y tuluyan nang nagbago.

At ngayon anak Ko,
nais Kong pakatandaan mo
na habang ibinibigay mo
ang iyong lubos na tiwala sa Diyos,
ikaw ay lubos ring gagabayan Nito.



Huwag nating problemahin
mga pagsubok na darating.
pangalan Niya’y ating sambitin,
at ito’y sabay nating haharapin.

You Might Also Like

0 comments: