filipino,
BAgo pa tumilaok ang manok,
ang blusa ko'y nakabutoNes na.
Sa akinG pulsuhan, isang pulseras na perlas
at sa aking mukha, isang ngiting nagagalak.
Ang biyahe ay mahaba ngunit 'di bale na.
Sa Pagsisikap na hindi bigyang-pansin ang tiyan kong nakalimot mAg-almusal,
at sa pagsisikap na manatilinG nakatayo sa bawat pagkunog-kunog ng bus,
ang isipan ay inaabala sA maS mahahalagang bagay--
sa pag-uulit-ulit ng mga ibabahagi ko ngayong Araw.
Ang salubong sa aking pagdating,
isang silid ba o sementeryo?
Mga mAtang walang ningning,
mga bangkaY na nahihimbing.
"Magandang umaga," panimula koNg bati.
Sagot sa aki'y koro ng mga isipang blangko.
Mga kamay Ay nakatago't mga daliri'y maliliksi--
mga kwento rito'y madaling naipadadala sa ibang silid.
Mga labi ay maingat sa bawat galaw,
takot na aking maSagap ang tsismis.
Mga binti ay 'di mapakali't ang tuhod ay taAs-baba
sa pag-asang marinig na ng mga namimiling tainga ang
"Paalam at salamat."
At ang nagmamadalIng mga paa aY mabilis na lumilisan
hanggang sa akO'y naiiwang pakinggaN ang inGay ng bawat yapak nila papalayo.
Habang pauwi, pinagmamasdan ko ang araw na lumulubog.
Ang sabi sa akin noon, ang mga Mata nila'y maliliwanag--
mga bituinG kumikislap na 'di maikubli ang pangarap.
Noon, ang kanilang diwa'y gising nA gising--
damdaming nag-aalab sa pagtaguyod ng hangarin.
Noon,
Mga kamay ay nagliliKha,
nagsusulat, nagsusulong, nagpapahayag.
Mga labi'y nanginginig man, pAtuloy ang pagsasalita,
nagbibigay-boses para sa mga pipi at paos.
Mga binti'y hindi nagpapahinga at tuhod, 'di sumusuko
hangga't hindi pa nAipararating ang mensahe't adbokosiya
Mga tainga aY pinakikinggan ang lahat,
mula sa mga sigaw ng poot hanggang sa mga bulong ng saklolo.
At ang nagmamadaling mga paa ay hindi naliligaw ng landas,
mabilis na kumikilos,
matatag na umaangkla sa mga pinaninindigan.
Ang sinasabi sa akin noon, ngayon ay nasaan na?
Alam kong nariyan pa sila, maaaring nakalimot lamang.
Siguro totoo ngang hindi maaaring maghintay lamang at magpaubaya,
Kaya ngayon, anak, hinahamon kong hanapin mo muli ang liwanag.
Literary: Mensahe ni Maestra

0 comments: