Damdamin,

Literary: Magsuot Muna Tayo ng mga Pakpak

11/27/2020 07:00:00 PM Media Center 0 Comments



Habang ‘di pa tanaw ang araw sa langit
Habang ang mundo’y tahimik at madilim
Magsuot muna tayo ng mga pakpak
Humingang malalim, lumundag, lumipad

Hahamunin natin sa isang habulan
Ang mga mapaglarong ibon at ulap
Katatagpuin natin ang mga bituin
Masdan natin silang tumupad ng hiling

Sa dalampasigan tayo magtutungo
Magpapahele sa lagaslas ng alon
Sa aluyang gawa sa pinong buhangin
Habang hinahaplos ng lamig ng hangin

Sa mataas na bundok ay ating masdan
Ang abot-tanaw – ang lupa’t kalangitan
Pupurihin natin ang gabing tahimik –
Ang pakpak, ang tanawin, at ang daigdig

At ‘pag sumilay na ang liwanag ng araw
At nagising na tayo sa bagong umaga
Kahit wala na ngayong pakpak ang tao
Hindi nawala ang hiwaga ng mundo

You Might Also Like

0 comments: