alyssa avila,

Wow na Obra at Lit… Paano ba Mag-submit ?

11/27/2020 08:32:00 PM Media Center 0 Comments



Mahaba-haba ang naging pahinga ng Aninag Online. Dahil doon, totoong na-miss namin kayo, guys! Nabasa n’yo ba ang mga lits sa unang pub ulit namin? Na-miss talaga naming mag-share ng kuwento sa inyo kaya promise, pinaghandaan namin ang aming #MComeback. Na-inspire ka bang magpasa ng iyong gawa pagkatapos mong mabasa ang mga lits? O meron ka bang naisulat o nagawang mga tula, maikling kuwento, liriko, o naiguhit na mga obra habang tayo ay naka-quarantine, pero nahihiya kang i-post sa isang platform? O kaya naman, wala kang alam na platform na pwedeng mag-publish ng gawa mo? ‘Wag ka nang mag-aalala dahil nagbabalik na ang Aninag Online! Dito, pwedeng-pwede mong ipakita ang galing mo sa pagsusulat at pagguhit!

“Kaso, hindi ako miyembro ng MC...” Okay lang! Lahat ng mag-aaral ng UPIS ay pwedeng magpasa. Open kami sa mga gawa n’yo guys!

“Nahihiya ako, baka hindi maganda ang gawa ko” ‘Wag kang mag-aalala dahil nariyan ang ating mababait at magagaling na editor. Gagabayan ka nila para mas mapaunlad pa ang obra mo.

“Hala, baka malaman nila kung sino ako.” Kalma ka lang! Confidential sa MC ang lahat ng mga ipinapasa at ginagawa. Walang snitch. Chika in MC, stays in MC. 

“Paano ako magpapasa?” Ayan, diyan tayo magpokus. Ituturo sa iyo ng infographic kung paano mo maaaring ipasa ang iyong gawa. 

Link for Submission: https://forms.gle/4ikSimByRhn4cWLu6 Infographic Credit: Addie Sajise

Ayan, alam mo na kung paano magpasa ng gawa mo. Kung sakali mang mapabilang ang obra mo sa maipa-pub, i-share mo ito sa mga kaibigan mo, ipagmalaki mo sa kanilang nai-publish ang gawa mo sa Ang Aninag! Tandaan lamang na tuwing Friday, 2nd at 3rd week ng buwan ang ating publication date. Aasahan ko ang gawa mo ah. Work it, human! //by Alyssa Avila










You Might Also Like

0 comments: