clementine,
Babalikan ko ang araw ng pagkaguho ng mundo ko
Ang sandaling nawalan ako ng malaking parte ng aking puso
Ang araw na siyang hanggang ngayon, di ko matanggap na totoo
Naghihintay ako sa labas ng ICU noon
Umiiyak, nagdadasal sa Diyos, nakaidlip, nakatulala
Di na mawari ng aking isipan ang aking pinaggagagawa
Nang lapitan ako ni Papa, halata ang pagpigil niya sa nag-uumapaw nang mga luha
Ang sabi niya, "Anak, kailangan mo nang magpaalam sa iyong ina."
Di ko alam kung paano ako nakaladkad
Ng aking nagkukumahog na tuhod at paa
Tungo sa tabi ng kamang kinaroroonan niya
Pero nandoon ako, nandoon siya
‘Yun nga lang, ang puso ko'y tumitibok pa, ang kaniya'y hindi na
Nakapikit ang mata, tandang buhay ay wala na
"Hindi iyan ang nanay ko!" gusto kong sabihin.
"Si Mama ay nasa bahay, naghihintay sa akin."
"Hindi iyan ang nanay ko!"
"Di pa patay si Mama! Nagkakamali kayo!"
Pero hindi
Ilang beses ko nang sinubukang baguhin
Mula sa inakala kong masamang panaginip
Sinubukan kong gumising
Pero hindi
Kahit ano pa ang gawin ko
Kahit ilang panalangin ang sambitin ko
Iyon at iyon ang realidad ng aking mundo
Mula noon, bawat araw ay may kaakibat na pait
Bawat paghinga'y may kasamang masidhing sakit
Bawat dasal ay may tagong galit
Kasi pakiramdam ko, dinaya ako ng Diyos! Dinaya ako ng tadhana!
Ang daya mo! Ang daya-daya mo!
Kasi ba naman, sa lahat ng taong puwede mong kunin
Bakit pa ang nanay ko!
Si Mama na walang ginawa kundi alagaan ako
Si Mama na walang ginawa kundi tumulong sa ibang tao
Si Mama na walang ginawa kundi maglingkod sa iyo
Bakit pa ang nanay ko?
Pero alam mo, Ma
Sa kabila ng mga ito
Sa kabila ng sakit, pait, at galit
Ako ay mapapayapa sa gunita ng iyong ngiti
Ako ay mapapayapa sa gunita ng iyong tawa
Sa gunita ng malaanghel mong tinig
Sa gunita ng iyong matamis na pagkalinga
Sa gunita ng iyong dakilang pag-ibig
Sa gunita mo, Ina
At sa mga pagkakataong nalulunod ako sa pighati ng iyong kawalan
Ang iyong gunita, ang aking kapanatagan
Ina, sa tuwing ang puso ko'y tigib sa kalungkutan
Ang iyong gunita, ang aking tanging kaligayahan
Sa pamamagitan ng mga alapaap sa langit, hayaan mong ikaw ay aking hagkan
Kahit katiting lamang ng aking pagmamahal sana'y iyong maramdaman
Di man kita maalayan ng regalo, tsokolate, o mahahalimuyak na bulaklak
Nawa'y maiparating sa iyo ng mga maningning na tala itong aking munting panawagan
Happy Valentine’s Day, Ma
Ang gunita mo ang aking panghahawakan
Mananatili ka sa puso ko magpakailanman
Literary (Submission): Gunita

0 comments: