filipino,
Tayo’y nagkakilala, ilang araw matapos ang buwan ng Hunyo.
Bawat lihim, inilantad sa isa’t isa at sa ‘di maipaliwanag na dahilan, tayo’y nagtugma,
Parehong paborito na mga aklat, pelikula, musika, bunso ng pamilya, at sikreto.
Parang nakita ko ang aking sarili, nakatingin lang sa isang klarong salamin;
Parang nadama ko ang nawawalang kapares ng aking kaluluwa.
At sa bawat sandali na tayo’y magkasama, napagtanto ko…
Sa tuwing sumasapit ang umaga, titingin sa telepono, umaasa sa matatamis na bati mo,
‘Di mo hinayaang lumipas ang isang araw nang hindi nagtatanong tungkol sa araw ko.
At pagsapit ng dilim, malamig na muli ang gabi at ang patak ng ulan ay lumalakas;
Binati mo ako nang mataimtim na: “Matulog ka nang maiigi, at bukas tayo’y mag-uusap pa.”
Sa wika lang yata tayo hindi nagtugma; nagustuhan ko ang Pranses
Ikaw nama’y nagustuhan ang wikang Aleman.
Kaya laking gulat ko nang ako’y binati mo sa wikang nagustuhan ko.
At ‘di ako nagpahuli at sinagot din kita sa wikang nais mo.
Bigla mo na lang ibinahagi sa akin ang mga larawang nakuha mo sa ibang bansa,
Sinasabi mo na mahal mo ang mga hayop at nais mo na tayong dalawa ang mag-aruga.
Ibinigay mo rin ang litrato ng iyong mga alaga: isang ibon at tatlong daga
At pagkatapos nito’y ang larawan ng kumikinang mong mga mata.
Lumalalim na ang ating pag-uusap, humaba ang ating oras,
May naramdaman akong kati sa aking isipan, na parang dapat kitang tanungin:
“Paano kita matatawagan?”
Nawala ito sa aking isipan noong nagkuwento ka tungkol sa ’yong bagong alaga.
May ibon ka na naman, namomroblema ka dahil ang unang alaga mo’y galit sa kanya.
Hinayaan lang kitang magsumbong, tungkol sa kanilang bawat pagtuka.
Hindi mo lang alam, ang puso ko’y nalulunod na
Dahil sa sobrang galak na nakilala kita.
Hanggang sa sumapit ang isang araw, umiiyak ka dahil ang iyong bagong alaga’y aalis na.
Hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko;
Gusto kitang yakapin, ibulong sa ’yong mga tainga na magiging maayos din ang lahat.
Ngunit hanggang dito lang ako, nananatili sa kabilang linya.
Dumating ang ‘di inaasahan, ang telepono’y nasira’t hindi ka matawagan.
Paano na ito? Ano’ng gagawin ko? Gusto pa kitang makasama, makausap at makilala.
Pero ‘di naayos ang ating tagapag-ugnay, at noong tiningnan ko ang kalendaryo, ang puso ko’y nawasak.
Ngayon ang araw na iiwan ka ng bago mong alaga, at wala ako sa tabi mo upang ika’y damayan.
Ganoon na lang ba? Isang buwan lang kita makikilala?
Isang buwan lang ba ang sandali upang makita ang kabilang pares ng pusong umaasa?
Mag-iisang taon na, ‘di pa rin kita nakikita.
Sana, ako rin ay iyong naaalala
Dahil ako’y nawawalan na ng pag-asa.
Pero ako’y maghihintay.
‘Pagkat alam ko, na ang tadhana’y ‘di ganito kasama.
Na kung isang beses, tayo’y pinagkilala,
Alam kong sa susunod na pagtatagpo, tayo’y mananatili na sa isa’t isa.
Literary: Kahit Sandali

0 comments: