geraldine tingco,

Taunang Peer Facilitators Club workshop, idinaos

2/05/2018 08:39:00 PM Media Center 0 Comments



HAMON. Pinangangasiwaan ni Aera Dizon (nasa kaliwa) ang kaniyang grupo habang sinusubukang makalusot sa laser maze. Photo credit: Sophia Isabelle Loriega
Dinaluhan ng 43 mag-aaral mula Grado 7 hanggang 10 ang "Aiming for PEERfection" training workshop sa University of the Philippines Integrated School (UPIS) 7-12 Academic Building noong Enero 20.

Sa pangunguna ng Peer Facilitators Club (PFC), isinagawa ang workshop upang mahasa ang kasanayan sa pakikipag-ugnayan sa mga tao at pangangasiwa’t pagpapadaloy ng mga gawain (facilitating skills) ng mga miyembro ng nasabing organisasyon.

Ngayong taon, pinaghiwalay ang mga talk at seminar ng Junior Peers (Grado 7-8) at Senior Peers (Grado 9-10) upang maging angkop ang mga ito sa kanilang lebel bilang mga peer facilitator. Bukod dito, nagsagawa rin ng iba’t ibang gawain tulad ng Amazing Race at group skits.

"Nakita namin sa camp na ito na nag-level up, step up, [ang] laki ng in-improve ng mga Junior Peer. Aalis man kami, nakita namin ‘yung potential sa kanila. Maipagkakatiwala namin ‘yung club sa kanila," pahayag ni Bryant Galicia, Grado 10 at pangulo ng organisasyon.//ni Geraldine Tingco

You Might Also Like

0 comments: