news,

UPIS scouts, pumarada

2/28/2018 08:45:00 PM Media Center 1 Comments



DANGAL. Taimtim na nakikinig ang mga iskawt ng UPIS sa programa ng Scouts Parade sa Quezon Hall. Photo credit: Marco Sulla.


Muling isinagawa ang Scouts Parade ng mga iskawt ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) mula UPIS grounds patungong UP Quezon Hall noong Pebrero 26, Lunes.

Layunin ng parada na kilalanin at pagsama-samahin ang mga iskawt: Star (Grado 1-3), KAB (Grado 2-3), Junior (Grado 4-6), Senior (Grado 7-10), Cadets (mga pinuno ng Senior Girl Scouts), at Phoenix (mga pinuno ng Senior Scouts), at gunitain ang kamatayan ng tagapagtaguyod ng iskawting na si Lord Baden Powell.

Pangunahing tagapagsalita sa programa si Dr. Fidel Nemenzo, Vice Chancellor for Research and Development, dating iskawt at parent leader ng iskawting sa UPIS. Hinikayat niya ang mga dumalo na isabuhay ang mga natutunan nila sa pagiging iskawt.

Sinabi rin niya na dapat makibahagi ang mga iskawt sa nation-building sa pamamagitan ng pagiging mabuting impluwensiya sa iba, mula sa kanilang tahanan, paaralan, hanggang sa kanilang komunidad.

Humigit-kumulang na 200 iskawt, kasama ang UPIS Prinsipal na si Prop. Lorina Y. Calingasan, mga gurong troop leader, at mga parent leader, ang dumalo sa nasabing parada.//ni Nica Desierto

You Might Also Like

1 comment:

  1. Ngayong school year 2017-2018, hindi po inoffer ang pagiging Star Scouts Gr. 1; tanging sa Gr.2 at Gr. 3 lamang po. Sang-ayon po ito sa p. 23 at p. 26 ng 2017 ed. ng UPIS Student Handbook.

    ReplyDelete