news,

Lakbay-Aral, isinagawa muli ng UPIS

2/05/2018 08:28:00 PM Media Center 0 Comments



STARSTRUCK. Nakilala ng mga estudyante ng Batch 2020 at ilang guro ang artistang si Micheal V. sa GMA station. Photo credit: Leng Painaga
Nagsagawa ng lakbay-aral ang mga mag-aaral ng Grado 10 (Batch 2020) at Grado 11-MH del Pilar (Social Sciences and Humanities o Soc Sci track ng Batch 2019) noong Enero 22, at ang Grado 9 (Batch 2021) noon namang Enero 29.

Layunin ng aktibidad na mamulat ang mga estudyante sa iba’t ibang track at karera na maaari nilang pasukan sa hinaharap, bunsod ng sistema ng tracking na mahalagang elemento ng senior high school program ng K-12.

Pinuntahan ng Soc Sci track ng Batch 2019 ang Philippine Mental Health Association (PMHA), First Academy of Computer Arts, at Radyo Veritas. Nilibot naman ng Batch 2020 ang Elite Techno Park, Sweet Harmony Gardens, at GMA 7. ABS-CBN at Max’s Restaurant naman ang binisita ng Batch 2021.

Hindi natuloy ang pag-oobserba sa Hall of Justice ng Soc Sci track dahil walang naabutang paglilitis ang klase. Itinuloy nila ang pagbisita rito sa sumunod na linggo, Enero 29.
Ang mga lugar na pinuntahan ay pinili kaugnay ng tatlong track na inihahain sa senior high school program ng UPIS: Applied Sciences and Engineering, Business and Entrepreneurship, at Social Sciences and Humanities.

Ito ang unang lakbay-aral na ginawa muli ng paaralan matapos pagbawalan ng Department of Education (DepEd) ang mga lakbay-aral simula noong Pebrero 2017 dahil sa trahedyang sinapit ng ilang estudyante mula sa Bestlink College of the Philippines sa Tanay, Rizal.//ni Nica Desierto

You Might Also Like

0 comments: