filipino,
Siya’y aking mundo
Siya’y patunay na may milagro
‘Pag kasama siya tila walang ibang tao
Parang kami lang ang laman ng daigdig
Siya, ako, at ang aming pag-ibig.
Siya’y parang anghel
Siya’y maliwanag pa sa araw
At tuwing siya ay ngumingiti
Oras ay tumitigil nang sandali
At pagmamasdan ng lahat ang kanyang mga labi.
Boses niya ay himig
Na di ako magsasawang marinig
Sa bawat bigkas ng salita
Paghihirap at pasanin ko’y nawawala
Hanggang sa siya lamang ang naaalala.
Siya ay aninag
Sa karimlan siya’y liwanag
Siya ang aking pag-asa
Tuwing akala kong wala na
Nasa kanya ang aking tiwala.
‘Pag kasama siya’y parang nasa langit
Lahat ay maginhawa at tahimik
Wala ni isang kaluluwa
Ang maghihiwalay sa aming dalawa
Tunay na makapangyarihan, o pagsinta!
Ngunit siya’y di akin
At kailangan ko nang gumising
Mula sa matamis na panaginip
Na naganap sa mundong kathang-isip
Kung saan ako’y kanyang inibig.
Literary (Submission): Siya
Siya’y aking mundo
Siya’y patunay na may milagro
‘Pag kasama siya tila walang ibang tao
Parang kami lang ang laman ng daigdig
Siya, ako, at ang aming pag-ibig.
Siya’y parang anghel
Siya’y maliwanag pa sa araw
At tuwing siya ay ngumingiti
Oras ay tumitigil nang sandali
At pagmamasdan ng lahat ang kanyang mga labi.
Boses niya ay himig
Na di ako magsasawang marinig
Sa bawat bigkas ng salita
Paghihirap at pasanin ko’y nawawala
Hanggang sa siya lamang ang naaalala.
Siya ay aninag
Sa karimlan siya’y liwanag
Siya ang aking pag-asa
Tuwing akala kong wala na
Nasa kanya ang aking tiwala.
‘Pag kasama siya’y parang nasa langit
Lahat ay maginhawa at tahimik
Wala ni isang kaluluwa
Ang maghihiwalay sa aming dalawa
Tunay na makapangyarihan, o pagsinta!
Ngunit siya’y di akin
At kailangan ko nang gumising
Mula sa matamis na panaginip
Na naganap sa mundong kathang-isip
Kung saan ako’y kanyang inibig.
0 comments: