gian palomeno,

UPIS, lumahok sa Model UN

2/05/2018 08:24:00 PM Media Center 0 Comments



PINAKAMAHUSAY. Tinanggap ni Robert Ambat (nasa gitna) ang parangal na "Best Position Paper" matapos ang kompetisyon. Photo Credit: James Tolosa
Lumahok ang ilang mag-aaral ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) sa Model United Nations na inorganisa ng Philippine Science High School (PSHS) noong ika-13 hanggang 14 ng Enero sa PSHS Main Campus, Lungsod Quezon.

Layunin ng programa na mamulat at magsuri ang mga mag-aaral sa mga kontemporaryong isyu sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng simulasyon ng pagpupulong na ginagawa ng mga delegado sa United Nations (UN). Ito’y sa pamamagitan ng paligsahan sa paggawa ng position paper tungkol sa paksang iniatas  sa mga mag-aaral na nagsilbing kinatawan ng iba’t ibang bansa.

Nakamit ni Robert Ambat ng Grado 9 (kinatawan ng Bangladesh) ang Best Position Paper Award at itinanghal naman si James Tolosa ng Grado 10 (Mexico) bilang isa sa mga natatanging delegado.

Kabilang din sa mga lumahok sina Magan Basilio ng Grado 9 (Panama), Joy Asuncion ng Grado 10 (Uganda), Nona Catubig (Belgium), Craig Aquino (Spain), at Ezra Bustamante (Estonia) ng Grado 11, at Lyka Lubang ng Grado 12 (Norway).//ni Gian Palomeno

You Might Also Like

0 comments: