filipino,
Sa isang rosas nagsimula ang ating kuwento
Tuwang-tuwa ka pa noong ibinigay mo ito
“Wala na akong ibang hahanapin,” ika’y nangako,
“Ikaw lang ang mamahalin at pasasayahin ko.”
Sa pula’t pihikan na talulot, ako’y nabighani
Inilagay sa plorera, nangakong aalagaan nang mabuti
Araw-araw pinagmamasdan, bigay ng pinakatinatangi
Hanggang sa tuluyan nang naakit sa marikit na palamuti.
Naubos ang oras sa kababantay,
Pinipilit pang mamulaklak, bakit pa ba naghintay?
Ako’y nagalit, kahit rosas ay walang kasalanan
Matapos makapagmuni-muni, ito’y agad nang kinalimutan.
Itong nag-iisang rosas ay binawi mo,
Kinabukasan ay hinandugan mo ulit ako ng bago
“Alagaan nang mabuti, kahit anong mangyari,
‘Di malalanta ang pag-ibig ko sa ’yo, binibini.”
Itong bagong rosas, akin nang iningatan
Niyakap nang mahigpit, ‘di na ulit pinakawalan.
Kahit ang tangkay nito’y matinik, ‘di ko mabitawan,
Sino ba’ng makatatanggi sa taglay nitong kagandahan?
Dahil sa pagkakayakap na mahigpit,
Bulaklak ay nasakal, hindi na kumapit
Muling naluoy, nawalan na ng kulay,
Oras na inilaan ay wala nang saysay.
Itong pangalawang rosas ay muli mong binawi
Ngunit sa pangalawang pagkakataon, ‘di mo na isinauli.
Iyong mga kataga ay tuluyan nang nalanta,
Ang ating pag-ibig, ‘di na magbubunga pa.
Bakit kapag pilit na inaaruga ay nasisira,
At hindi na kayang buhayin pa?
Bakit ang dating ating nararamdaman,
Ay hindi na maaaring maibalik sa nakaraan?
Ako pa rin ba ang nagpapatibok sa ’yong puso?
Kaya pa bang tiisin kung ikaw pa rin ang mahal ko?
Ako lang ba ang nag-iisang rosas mo?
O iba na ang bulaklak na iyong gusto?
Literary: Rosas

0 comments: