feature,
“Start na ba klase?”
Naging tanong mo na ba ito dati?
Bilang mga estudyante ng UPIS, mayroon tayong apat na mahiwagang araw upang maging mabuting mga mag-aaral at pumasok sa ating mga klase. Ngunit ang maagang pasok ay kinakailangan ng maagang gising. Huwag kang magsinungaling na hindi mo pa nararanasang mahuli sa klase o mapagsarhan ng pinto dahil ‘di mo naabutan ang 5-minute grace period ng titser mo.
‘Wag kang mag-alala, ramdam ka namin, kaibigan. Kaya narito ang aming mga payo para ‘di ka ma-haggard sa iyong 7 AM na klase.
Ayusin mo na ang mga gamit mo sa gabi pa lang.
Iempake mo na ang lahat ng requirements na ginawa mo at lahat ng materyales na pinapadala sa iyo ng mga guro mo. Para hindi ‘yung pagkagising mo ay magkukumahog ka na isalansan ang lahat ng iyon sa bag mo.
Mahirap nang makalimutan ang project na buong gabi mo pinaglamayan tapos huli ka pa sa klase.
I-set mo ang iyong alarm nang alas-kuwatro ng umaga.
Bago ka matulog, siguraduhin mo muna na ang iyong alarm ay hindi mo maaabot kapag nakahiga ka pero naririnig mo pa rin. Isang paraan ito upang mapilitan kang bumangon mula sa iyong kama kasi kakailanganin mong tumayo upang patayin ito.
Siyempre, naaayon din ang oras ng alarm kung saang lupalop ka ng Pilipinas naroroon. Halimbawa, kung nasa Rizal ka, eh ‘di syempre kailangan mo talagang gumising nang maaga. Alam naman nating mga Pilipino na napakatrapik sa Pilipinas, ‘yung tipong lahat yata ng mga sasakyan sa Luzon ay nasa kalsada kung nasaan ang sasakyan mo. Isa pa, lalo na ngayon na isinasagawa na ang jeepney phase out, kung commuter ka, mas lalo kang mahihirapang makaabot nang maaga sa eskuwela. Kung ako sa ’yo, mas magandang magdagdag ka na ng isang oras sa kadalasan mong travel time, para siguradong hindi mami-miss ang pagkanta ng Lupang Hinirang.
Ihanda ang iyong agahan gabi pa lang.
“Breakfast is the most important meal of the day.”
Ang pagkain ay ang pangunahing pinagmumulan ng enerhiya sa ating pang-araw-araw na gawain sa buhay. Kapag wala ito, manghihina ang ating katawan at mas lalo tayong aantukin.
Para makatipid sa oras, ihanda mo na sa gabi ang agahan at pananghalian mo. Mas madali kasing magpainit ng pagkain kaysa sa magluto pa sa umaga. Panigurado rin na hindi sunog na pagkain ang sasalubong sa iyo dahil mas mapagtutuunan ng pansin ang iyong niluluto kapag ginawa ito sa gabi pa lang.
Bilisan mong maligo at magpaganda/magpapogi.
Huwag ka nang mag-concert sa banyo. Oo na, maganda boses mo, at ikaw na ang susunod na Beyoncé o Regine Velasquez, pero hindi ito ang tamang oras para ipakita ang iyong talento. Tandaan mo, wala kang tagapakinig at may hinahabol ka pang oras.
Huwag mo nang subukang itsek ang Twitter o Messenger mo kung sumagot na ba ang crush mo sa ’yo kagabi. ‘Di sapat ang oras na inilaan sa ’yo para maghanda kung kikiligin ka pa.
At ang golden rule ng mga magulang para sa kanilang mga anak: HUWAG NA HUWAG ka nang magpuyat sa gabi.
Huwag mo nang lokohin ang sarili mong maaga kang matutulog ngayong gabi o sa mga susunod pang mga gabi. Sa dinami-rami ng reqs mo, malamang ay mas maikli pa sa tatlong oras ang tulog mo. Sanay ka na sa puyat.
Pero may point naman talaga ang mga magulang mo na para ‘di ka na huli sa klase ay dapat maaga kang matutulog.
Paano mo nga ba matatapos ang reqs mo kung matutulog ka nang maaga?
Ang mga nabanggit ay pawang mga mungkahi lamang upang magawa ang mga kailangan sa buhay. Maraming paraan para hindi ka mahuli sa iyong klase sa umaga. Ang lahat ng tao ay may iba’t ibang paraan ng kalakaran sa umaga, kaya ang mga payong ito ay iayon mo base sa kung ano ang gagana para sa iyo.//nina Nica Desierto at Marlyn Go
Feature: Start Na Ba Klase?

0 comments: