BeautyinMC,
Ako si Anna, isang magaling na estudyante
Hinahangaan dahil mahilig dumiskarte
Magaling sa lahat, sa sining, lalo na sa pag-arte,
Kilala sa paaralan, bilang isang intelihente
Ngunit ang kasikatan pala ay ‘di permanente,
Lalo na sa aming klase
Ang minsang tiningala at kinainggitan
Sa isang iglap ay biglang napalitan
Isang tanyag, hinahangaan at kinikilalang babae
Si Alisa ang maganda naming bagong kaklase
Mukha niyang maamo na hindi na nangangailangan ng kolorete
Ang dahilan kung bakit marami ang sa kanya’y natotorete
Tila isang napakagandang diyamante
Mula sa kanyang tindig at lakad na dominante
Kung kaya’t humahanga sa kanya ang marami
Ang dahilan ng mataas niyang kumpiyansa sa sarili
Isa lamang ako sa maraming babae
Na naiinggit sa maganda niyang imahe
Sino nga ba namang hindi maaakit?
Sa mukha niyang taglay na pagkarikit-rikit?
Hindi lang ‘yon, may taglay din pala siyang talino
Sa mga paligsahan siya ay madalas manalo
Naiuuwi niya ang medalyang ginto
Na dati’y aking laging natatamo
Doon nagsimula ang aking poot at hinanakit
Tila kinakain na ako ng sama ng loob at inggit
Ang pinaghirapan ko, mistulang naging bula
Sa isang kisapmata ay agad na lang nawala
Marahil wala nga talaga akong halaga
Wala rin akong taglay na ganda
Ang hinahangaan dapat ay ang kagaya niya
Na biniyayaan ng natatanging utak at mukha
Sa anyo lang ba masusukat ang kagandahan?
Kung gayon, wala na akong dapat asahan
Baka nga dahil diyan siya ay yumabang!
Kabutihan ay kanyang makalimutan!
Hanggang sa kanya nang napansin
Ang aking galit na sa kanya ay kinikimkim
Agad niya akong nilapitan at kinausap
Ngumiti siya at biglang nakiusap
“Sana ‘wag mong tingnan ang iyong mga kakulangan,
Isipin mo ang mayroon ka at ang ‘yong kagandahan.”
Bigla akong natahimik at napaisip
Ako’y natuliro at nawalan ng imik
Ang siya’y lamangan, ‘yun ang aking gusto
Puro inggit at galit ang mayroon sa dibdib ko
Walang-wala talaga ako sa babaeng ito
Na may taglay ring mabuting puso.
Doon ko natanto ang kagandahan niyang tunay
Wala sa kanyang mukhang pagkadali-dalisay
Wala rin sa talinong kanyang ibinida
Kundi sa kabaitang kanyang ipinakita
Literary: Tunay na Kagandahan

0 comments: