filipino,
"Para po sa kanya, Ma'am. May nagpapabigay po," sabay ngiti.
Pang-ilang delivery na 'to ng mga Peer sa classroom namin. Wala pa ring dumarating para sa akin. Joke! Ayos lang, taon-taon namang ganito tuwing panahon ng Valentines. May mga nagbibigay, may mga tumatanggap. Isa ka na rin doon sa mga nagbibigay.
Taon-taon ka nang nagde-deliver ng mga regalo mula sa club niyo, mula Grade 7 pa tayo. Palagi mong pinipiling sumali sa Peer Facilitator's Club simula noon. Gusto mong tumutulong sa ibang tao. Kaya naman, paboritong-paborito mo ang Cupid's Express. Sabi mo, natutuwa kang magbigay ng mga regalo kahit hindi naman talaga galing sa 'yo. Gustong-gusto mong nakikita ang mga ngiti, pati na ang reaksyon ng mga binibigyan.
Taon-taon din sa tuwing ganito ang okasyon, wala akong kasama sa klase. Wala akong kakuwentuhan. Walang kapartner kapag pairwork. Paano ba naman? Buong araw kayo excused sa lahat para lang mag-deliver ng mga regalo na hindi kayang maibigay dahil walang lakas ng loob. Kaya ‘ayun, wala rin tuloy akong kasamang kumain.
Kung isa sana ako sa mga binibigyan mo, kahit hindi talaga galing sa 'yo, basta ikaw ang nagbigay, e di masayang kumaing mag-isa!
Kaya naman pagdating ng lunch time, diretso na akong mag-isa sa canteen. Oo, kaya kong kumain nang mag-isa 'no, kahit wala ka. Isang araw lang naman. Okey na rin 'to, malayo ako sa 'yo kahit ngayon lang. Araw-araw naman na tayong nagkikita kaya naman kayang-kaya ko 'tong isang araw na hindi kita kasama. Ikakain ko na lang 'to.
"O," sabay abot ng isang rosas. "May nagpapabigay sa 'yo," sabi mo.
"Talaga? Para sa akin?" sagot ko. Hindi naman talaga kapani-paniwala na may magbibigay sa akin. Sa sungit kong 'to?!
"Oo nga. Ayaw mo ba? Akin na, ‘babalik ko na lang," sabi mo pa sabay bawi ng rosas.
"Hindi. Okey lang. Akin na, baka masira pa. Pero kanino raw ba 'to galing?" tanong ko sa 'yo. Nakapagtataka, nag-isip-isip ako kung kanino galing 'to. Wala rin naman akong masyadong kaibigan.
"Basta. Una na ako, ha? Dami ko pang ide-deliver," pag-iwas mo sa tanong ko.
"'Wag ka namang ganyan! Sabihin mo na!" pangungulit ko.
Biglang naging seryoso ang mukha mo.
"O, sige. Galing sa akin 'yan. Okey na?"
Tatawa na sana ako pero bakit parang totoo? Hinihintay kong tumawa ka, baka sakaling binibiro mo lang ako. Pero hindi man lang lumabas ang mga ngipin mo.
"Sa 'yo? Talaga? Para saan naman 'to?" tanong ko.
Natahimik ka nang tuluyan. Lumingon kung saan-saan, parang nag-iisip pa kung ano’ng sasabihin. Tumingin ka sa mga mata ko at ngumiti ka, at iyong sinabi:
“Wala lang. Hindi ba puwedeng dahil gusto kita?”
Literary: Cupid's Express

0 comments: