drenisse moleta,
Bilang mga Iskolar ng Bayan, alam natin ang halaga ng bawat singkong duling na mula sa ating mga bulsa. Kung kaya't marami sa atin ang nagtitipid at naghahanap ng mga pagkaing siguradong masarap at talaga namang sulit.
Sa ating kantina ay may ganyang mga pagkain! Kaya naman gumawa kami ng listahan ng kanilang mga tinda na talagang sulit sa bulsang pang-estudyante. Handa na ba kayong malaman ang mga ito?
Carbonara? Pesto? Lasagna? Ano mang uri ng pasta ang naisin mo, tiyak na maihahanda ito ng canteen. Hindi ito nawawala sa menu nila at tiyak na nakatutulong ang sari-saring mga pasta upang mabigyan ka ng sapat na enerhiya sa pang-araw-araw na gawain mo. Puti man o pulang sarsa, hinding-hindi nito bibiguin ang kumakalam mong sikmura dahil sa linamnam nito. Maaari mo pa itong samahan ng juice na nagpapakumpleto ng meryenda o tanghalian.
Ito ang isa sa mga pagkain mula sa canteen na talagang masasabing sulit at nakabubusog pa. Kung ikaw ay nagtitipid at gustong makamura, ang “siomai rice” ang pinakamainam na pananghalian mo. Gamit ang 30 pesos ay mayroon ka nang apat na malasang siomai at isang tasa ng kanin. Maaari mo pa itong dagdagan ng toyo na may chili at pigaan ito ng kalamansi upang maging mas malasa pa ang ulam mo.
Sa halagang 43 pesos ay makakabili ka na ng isang order ng masarap na pansit at isang stick ng katakam-takam na barbecue sa canteen. Sulit ito sapagkat mas mura kaysa sa mga ordinaryong rice meal na ibinebenta at naglalaman pa ito ng iba’t ibang pagkain: gulay mula sa sahog ng pansit, karne mula sa barbecue at carbohydrates mula sa bihon. Tiyak na pasasalamatan ka ng iyong bulsa at katawan dahil sa sulit na sustansyang dala ng combo na ito.
Sa halagang 17 pesos bawat lumpiang toge at kasama ang 10 pesos na kanin, hindi maipagkakailang sulit na sulit na ang pagkaing ito. Samahan pa ito ng sukang sawsawan na magpapayaman pa sa sarap ng lasa ng lumpiang toge. Bukod dito, masustansiya rin ang ulam na ito sapagkat puro gulay kaya naman mas nakabubuti ito sa katawan at hindi nakaka-“guilty” ang pagkain nito.
Ito ang isa sa mga pagkain sa canteen na hindi na kinakailangan ng kasama o kapares. Sapagkat bukod sa malinamnam nitong lasa ay mabigat pa ito sa tiyan kaya tiyak na mabubusog ka. Perfect ito tuwing malamig ang panahon, tag-ulan o kahit nagugutom ka lang. Maaga rin itong ibinebenta sa canteen kaya kung naghahanap ka ng sulit na pang-agahan ito na ang nararapat para sa iyo.
Hindi naman kailangan ng malaking halaga upang mapanatili ang kabusugan ng ating mga tiyan. Kailangan lang maging mautak sa pagpili at pagbili ng pagkain ang mga batang Isko at Iska ng Bayan.//nina Drenisse Moleta at Elane Madrilejo
Feature: 5 Sulit Meals Mula Sa Canteen

0 comments: