buwan ng wika,

iWitness sa UPIS

8/30/2013 08:08:00 PM Media Center 0 Comments

“Malaki yung pasasalamat ko sa [UPIS]. More than just academics, social awareness ‘yung natutunan ko dito” – Kara David

Noong nakaraang Agosto 15, ang UP Alumna na si Kara David ng GMA News TV ay bumisita sa UPIS upang ibahagi ang dalawa sa kanyang mga dokumentaryo; Gintong Putik at El Fraile.

Pinamunuan ng Departamento ng Araling Panlipunan ang homecoming event na ito bilang bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng Wika at Kasaysayan.

Ang dokumentaryong Gintong Putik ay nagsasalaysay ng buhay ng isang pamilya sa Bicol na may mapanganib na hanapbuhay kung saan ay kinakailangang sumisid sa putikan upang makahanap ng ginto.

Ang ikalawa naman niyang dokumentaryo ay tungkol sa isang konkretong isla sa baybayin ng Maynila na nagsilbing isang battleship noong World War 2 na ngayo’y pinabayaan na.

Isang open forum ang isinagawa matapos maipalabas ang mga dokumentaryo.


Si Kara David ay nagtapos sa UPIS noong 1990. Nagtapos naman siya sa UP Diliman bilang cum laude sa kursong Broadcasting Communication noong 1995. /ni Celine Medina, Deneese Montalbo, Lance Reblando at Red Rivera 

You Might Also Like

0 comments: