abot-kamay,
Abot–Kamay, isinagawa muli
Ngayong taon, inilunsad muli ng Kamag-Aral (KA) 7-10 ang
proyektong Abot–Kamay upang tulungan ang mga nasalanta ng Habagat nitong
Agosto.
Hinikayat nila na magdala ng relief goods ang mga estudyante
mula Kinder hanggang Grado 10, tulad ng mga de lata, tubig, bigas, instant
noodles at iba pang agarang pangangailangan. Ang bawat baitang ay naatasang
magbigay ng mga nakatalang aytem.
Target ng KA 7-10 makalikom ng 100 relief packs at sila
mismo ang mag-aabot nito sa komunindad. Kung hindi naman ito aabot sa 100
relief packs, ibibigay na lamang ng pamunuan ng KA 7-10 ang mga relief goods sa
Citizens Disaster Response Center (CDRC); Isang non-government organization at
ang CDRC na rin ang magpapa-migay ng mga relief goods sa mga tao.
Ang huling araw ng pagbibigay ng mga relief goods ay ngayong
Agosto 30 ngunit hinihiling ng KA na ipagpatuloy pa ang pag-aabot ng donasyon
ng mga estudyante. /ni Bea Cao, Joshua Paulino, Emerson Sandoval at Alissa Villareal
0 comments: