feature,
Sa kanyang isang oras at mahigit na talumpati, aba! Walang humpay na palakpakan ang maririnig! Umabot nga raw ito ng 90, eh! Eh paano ba naman kasi, puro magagandang bagay ang kanyang sinabi.
Syempre, unang-una diyan ang edukasyon. At hinding-hindi mawawala ang K-12 diyan, ang programang pinag-uusapan ng lahat at nagpa-windang sa maraming magulang. Nagpakaba na rin sa mga estudyante.
Sinundan niya ito ng kanyang Pantawid Pamilya Program na nagkakahalagang P5,000 para sa household at P3,000 para sa edukasyon kada taon sa bawat pamilya. Wow! Kasya ba talaga ‘yun? Ah… Kasya kung noodles araw-araw.
Ipinagmalaki rin niya ang mga pagbabago sa agrikultura pero mukhang siya lang ang natuwa. Maraming mga komento sa mga social networking sites nang talakayin niya ang isyu ng Hacienda Luisita. Dagdag pa rito ang mga nag-protestang manggagawa/ magsasaka na tila mas lalo pang nag-init, dahil tuloy doon ay napakahirap nang magtiwala sa sinabi niya ukol doon. Hay.
Bukod sa mga ito, marami ka pang maririnig na magaganda patungkol sa pagbabago sa aspeto ng kalusugan, pangkapaligiran, pabahay, kalamidad, etc. Pero sa dami ng naipagmalaki niya, kaunti lang ang nagsabing dama nila ito.
No offense PNoy, pero hindi ba’t mas makabubuting alam din ng mga Pilipino ang mga points for improvement para sa bansa?
Ang Reproductive Health Bill at ang Freedom of Information Bill ay isa na rin sa mga pinakahihintay kong tatalakayin niya. Naniniwala kasi akong kabilang ang mga batas na ito sa mga naging usap-usapan ng maraming Pilipino. Pero nabigo ako, hindi rin pala niya ito pinagtuunan ng pansin.
Pero inaamin ko, ngayon lang ako nakanood ng SONA na tinutukan talaga. You really just can’t explain the feeling. Sobrang proud ka pero mayroon pa ring kaunting disappointments. Ngunit, saludo pa rin ako kay PNoy, kasi pinangatawanan niya ang kanyang REPORT. / ni Jade Bantugan
Feature: Tuwid na Daan? Naks, napangatawanan!
Noong ika-22 ng Hulyo, 2013 ay ginanap ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ng ating pangulong si Benigno “Noynoy” Aquino sa Batasan Pambansa.Sa kanyang isang oras at mahigit na talumpati, aba! Walang humpay na palakpakan ang maririnig! Umabot nga raw ito ng 90, eh! Eh paano ba naman kasi, puro magagandang bagay ang kanyang sinabi.
Syempre, unang-una diyan ang edukasyon. At hinding-hindi mawawala ang K-12 diyan, ang programang pinag-uusapan ng lahat at nagpa-windang sa maraming magulang. Nagpakaba na rin sa mga estudyante.
Sinundan niya ito ng kanyang Pantawid Pamilya Program na nagkakahalagang P5,000 para sa household at P3,000 para sa edukasyon kada taon sa bawat pamilya. Wow! Kasya ba talaga ‘yun? Ah… Kasya kung noodles araw-araw.
(c) nonoying.com |

0 comments: