chapter 1,
Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.
-----
UPIS, Year 3014
Kasabay ng paglipas ng panahon ang maraming pagbabago sa teknolohiya, kapaligiran, at pang-araw-araw na kabuhayan. Lahat ay nagagawa na sa simpleng senyas, pagsasalita at pagpindot ng buton. Kakaiba na ang istruktura ng mga paaralan. Mayroon nang mga hologram at kakaibang gadgets. Techie na ang bawat mag-aaral, marunong gumamit ng pinakabagong innovations sa mga pasilidad.
Malaki at malawak ang bawat classroom. Kontrolado ang temperatura kaya komportable ang lahat. Kadalasan ay kulay puti lamang ang mga silid at isang touchscreen whiteboard lang ang nakakabit. Dito pino-project ang mga announcements gamit ang Hologram at aralin gamit naman ang HD Visual System. Maaaring baguhin ang naka-project na background upang lalong maipakita sa mga mag-aaaral ang itinuturo. Halimbawa, sa Biology Class, mistulang isang tunay na Savannah o isang Sahara ang kanilang kinaroroonan gayong nasa loob lamang sila ng silid.
Lumalabas lamang ang upuan sa bawat silid matapos i-swipe ng estudyante ang kanyang tag sa scanner ng pintuan. Dahil may mga numerong katumbas ng access code, ito na ang nagsisilbing attendance nila at ID upang magamit ang iba’t ibang pasilidad.
Mayroong holographic pad ang bawat mag-aaral kung saan sila magtatala ng kanilang mga notes na mare-record sa kani-kanilang mga tablet modules. May espesyal na antipara rin ang bawat isa upang masipat ang mga leksyon.
Ngunit kahit bago, mabilis, at kakaiba na ang kapaligiran, walang gaanong nagbago sa araw-araw na pakikisalamuha ng mga tao sa isa’t isa...
“Amp. Ang tagal ni Sir ah! Early dismissal na ‘yan!” sigaw ni Kr, presidente ng klase. Hindi na niya nagugustuhan ang ingay na naririnig dahil walang propesor.
“O, labas na tayo... hindi na darating prof niyan!” pag-aaya ng best friend niyang si Z.
“Eh... paano kung biglang dumating? Hintayin na natin,” nakangiting sagot ni O.
Nginitian siya ni Z. “Sige na nga,” aniya, sabay kurot sa pisngi ni O.
“Ouch! Putek na trip ‘yan!” sigaw ni O matapos kurutin ni Z ang pisngi niya.
“Hahaha. Ang taba mo kasi,” kantyaw ni Z.
“Ah ganun pala ha!” sabi ni O, sabay kagat sa braso ni Z.
“Amp ka! Baon ngipin mo! Magpapasa ‘to!” sigaw ni Z.
“Oh, tama na ‘yan,” pigil ni N sa kanila. “Galit na si Kr. Hahahaha. Tsaka O, kanina ka pa tinatawag ni Xe, bingi lang?” sabi ni N.
“Ay,weh? Teka puntahan ko muna.”
*Initiating hologram message in 3... 2... 1..* "Class 10.4AD, hindi ko na kayo mami-meet ngayon. Maaari na kayong umuwi at gawin ang report para bukas. Class dismissed!" pag-aannounce ng kanilang guro. *Hologram function disabled.*
"Yes! Tuloy overnight sa inyo mamaya, Kr! Gawa na tayo ng report, una tayo eh," sabi ni Z.
"Sige, brad. Sakto mag-isa lang ako sa bahay, walang istorbo. Nasan si N, baka 'di yun sumama mamaya ah?" tanong ni Kr.
"Nauna nang lumabas eh, sinamahan sina Xe at O. Text na lang na magkita sa Multi.”
Sumakay na sila ng cable car papuntang Old Building na kahit napakamoderno na ng itsura hindi pa rin binago ang pangalan. Naroon ang ibang classroom kaya nakakonekta ito sa New Building sa pamamagitan ng cable car. May mga walkalator at elevator upang masigurong hindi matagalan ang mga mag-aaral kapag lumilipat ng silid.
Isa sa pinakamalaki at pinakamalawak na istruktura sa UPIS Old Building ang Multipurpose Hall o Multi. Hugis hexagon ito at nagmimistulang isang sinehan tuwing may mga presentasyon o film showing. Madarama mo ang mga kaganapan na parang naroon ka sa sa mismonglugar na iyon. Mayroon ring scanner ang pinto nito gaya ng sa mga nasa silid-aralan. Ang sahig at mga dingding nito ay gawa sa LED screens. Maraming mga buton sa paligid upang madaling mapalitan ang setting o venue. Ilan sa mga features nito ay Game Place Mode para sa mga gustong maglaro at Concert Hall Mode para naman sa mga programa.
Naupo si Z sa isa sa mga mahabang sofa na lumabas pagkatapos niyang piliin at pindutin ang Lounge Mode.
Tumabi si Kr sa kanya. “Tanong mo kung parating na si N para makaalis na tayo. Marami pa tayong ireresearch,” pangungulit niya.
“Kalma ka lang, nagbu-blush on pa siya,” natatawang sagot ni Z.
Nagtatawanan pa ang mag-best friend nang biglang dumating si N kasama sina O at Xe. “Oy, guys, sorry! Ang bagal kasi maglakad ng mga ‘to eh.”
“Oh, you’re going to Kr’s pala for your report? Oh, go na, aalis na din kami ni O, eh,” sabi ni Xe.
“Later na,” paggaya ni N sa pagsasalita ni Xe. “Paupuin niyo muna me. Next month pa naman the report. And early dismissal naman eh, tapos overnight pa kami. Kwentuhan first!”
“Onga, mamaya na tayo gumawa ng report Xe,” sabi ni O, sabay naupo sa tabi ni Z.
“Ang sikip naman bigla... ang taba mo kasi... hahahaha!” sabi ni Z sa kanya kaya pabiro siyang sinuntok ni O. “Aray! Sakto sa kagat mo kanina, magpapasa ‘to!”
“Oy, kayong dalawa, lubusin niyo na ‘yan. 15 minutes na lang aalis na tayo,” singit ni Kr. Maloko niyang nginitian ang best friend. Nabatukan tuloy siya nito, sabay sabing, “Mukha mo!”
Matagal na silang grupo. Elementary pa lang, marami na silang pinagdaanan at pinagsamahan. Si Z, ang matalinong bully, kasama sa top 10 kahit napakatamad at napakaraming kalokohan. Pero kahit ganoon,masaya siyang kasama. Si Kr ang best friend ni Z. Tahimik lang siya pero kaya niyang sakyan ang trip ng kanyang best friend. Siya ang humihingi ng sorry tuwing may binubully na naman si Z. Maasahan ang bahay niya sa group projects o simpleng tambay lang; madalas kasing walang tao. Kasama nila si N, ang shoulder-to-cry- on sa barkada. Naiintindihan niya lahat, babae, lalaki, kalahati, trigo, calculus, at marami pang iba. Pero siya ang tipo ng taong hindi mo maiintindihan. May pitik ang bewang minsan eh. Pero, mahirap nang maghinala sa laki ng muscles at abs niya.
May dalawang babae sa grupo. Si O at si Xe, kahit sobrang magkaiba, mag-best friend sila. Saksakan ng arte si Xe, kulang na lang maligo ng alcohol at tumambay na sa harap ng salamin. Sobrang conyo niya like,yeah. Dahil maganda, mayaman, makinis at may utak rin naman, siya ang crush ng bayan. Habang si O, simple, tahimik at hindi pansinin kaya hindi maintindihan ng mga tao kung bakit sila magkasundong-magkasundo.
Magkakaiba man silang lima,masaya silang magkakasama araw-araw. Ngayong graduating na sila sa high school, sa Multi sila tumatambay kapag walang klase—nagkukwentuhan, naglalaro, gumagawa ng homeworks, o kaya'y gagalawin ang iba't-ibang settings doon.
“Hahahahaha. Oh, tara na. Ayokong mag-cram, walang excuse eh. Bye girls, una na kami!” sabi ni Kr.
"Goraaaa!" ani N.
"Ano raw?" tanong ng dalawa.
"Wala,tara na," sagot ni N.
“Okay, you guys take care,” kaway ni Xe.
Sumakay na ang mga lalaki sa kotse ni Kr. Dahil mas ligtas ang pagmamaneho sa kalangitan at hindi naman mabigat ang daloy ng trapiko, maaari nang magmaneho ng mga lumilipad na kotse ang kabataang nasa labing-anim na taong gulang pataas. Ang mga oto ay maraming safety features gaya ng 2-feet distancing kung saan awtomatikong isang metro lamang ang magiging pinakamalapit ng distansiya ng bawat sasakyan sa isa’t-isa. Ang nagpapalutang sa mga kotse ay hindi isang rocket system kundi isang anti-gravity system na mas nakabubuti sa kapaligiran sapagkat hindi na nito kinakailangan ng fuel upang umandar.
“Bili muna tayo materials at pagkain ah, para naman kasing may pagkain sa bahay niyo,” sabi ni N.
“Hehe. Okay, okay. Seatbelt na,” sagot ni Kr.
-----
Makalipas ang isang buwan at dalawang linggo...
*Hologram function enabled*
“Magandang umaga, 10.4AD! Ang ulat namin ay ukol sa Panitikan ng Pilipinas,” panimula ni Kr.
“Noong unang panahon, libro ang ginagamit sa pagbabasa,” sabi ni Z. “Gawa ang mga ito sa papel. Sa museo at mga larawan...”
*Alert! Alert! New hologram function activated*
Nagtaka ang lahat, ngayon lang nangyaring may nakialam sa system ng paaralan habang nagkaklase. Hindi alam ang dahilan at hindi alam ang epekto nito.
“Okay, class...mukhang hindi muna natin magagamit ang system. Paalala sa grupo ni Kr, pagpapatuloy ninyo ang report bukas. Sa ibang grupo, maghanda. Paalam at salamat,” sabi ni Prof.
“Sa wakas uwian na. Pagod ako, daming ginawa ngayong araw. Tara, Multi,” pag-aaya ni Kr kay Z.
“Tara, laro, noob!” sagot ni Z.
“Yabang mo!” sagot ni Kr.
"Ayos! Solo natin Multi! Hehe. Tara na!" sigaw ni Z, pagdating nila ng Multi.
*Hoverball mode ON*
*Loading Hoverball in 3..2...1.*
Lumabas ang hoverboard mula sa sahig. Katulad ito ng dating laro na basketball ngunit ang mga manlalaro ay nakalutang sakay ng mga hoverboard. May ilang parte lang ng court kung saan pwede makapuntos. Paborito itong laro ng mag-bestfriend. Madalas manalo si Z, palagi kasi siyang sumasakay ng hoverboard.
"Dre, panalo na ko ulit! Hahahaha!” sigaw ni Z.
"Asa! Haha. Shoot 'to oh!" Nakapuntos nga si Kr.
Hawak na ni Z ang bola. Kapag naka-puntos siya, ito na ang magiging ikatatlumpu’t-apat na beses na natalo niya si Kr.
"Kainin mo 'tong winning shot ko!"
Ibabato na ni Z ang bola. Ang bilis na niyang pinatatakbo ang hoverboard. Isang puntos na lang, panalo na siya.
"Amp!" sigaw ni Z, sabay talon paalis ng hoverboard.
"AAAAAAAAHHHHHH!" biglang sigaw ng isang babae. Bumagsak si Z kay O at di agad nakatayo dahil sa pagkabigla.
"Oh my gosh! Are you guys alright?" tanong ni Xe, habang lumalapit sa dalawa.
"Andito na pala kayo. Bilis kasi ng takbo ni Z eh, winning shot eh. Hahaha. Sorry!" sabi ni Kr, sabay nagpalit ang setting ng Multi papunta sa Lounge mode.
"Baka gusto niyong tumayo. Matunaw kayo diyan," bati ni N. "Enjoy kayo ha."
"Sa susunod kasi mag-ingat sa pagpasok dito eh. Amp. Panalo na sana ako eh. Asar!" reklamo ni Z, habang inaalalayang tumayo si O.
"Sorry naman! Malay ko ba!”
*Initiating Pink Hologram Plate in 3... 2... 1...*
“Woah... pink hologram plate? Para kanino? Anong nangyayari?” pagtataka ni Z.
Nagulat ang magkakaibigan nang makitang naging kulay pink ang mga tag nila.
“Uhm... guys... looks like the pink plate is for us...” kabadong sabi ni Xe.
“Pink tags, proceed to the conference room immediately.” *Hologram function disabled*
Pumasok na ang magkakaibigan sa madilim na conference room.
“Sit down according to student number,” sabi ng isang boses.
Biglang nag-flash sa screen ang isang mensaheng hindi inaasahan ng lahat.
“O, MALANDI AT MAHAROT. ALAM NA NG LAHAT. ‘WAG NA PA-INOSENTE.”
“Narito kayo para bigyan ng paliwanag ang mensahe na ‘yan para kay O. Sino sa inyo ang may alam tungkol dito?” sabi ni Ms. Disi, head ng Student Disciplinary Committee. “May nabalitaan akong may gulo daw sa inyong magkakaibigan at naisip naming posibleng isa sa inyo ang may gawa nito. Mabigat ang maaaring parusa sa inyo, kung sakali dahil una, hinack ang system ng school at ikalawa, paninirang-puri ito. Ngayon, sino ang gustong magsisimula?”
Kitang-kita ang kaba sa magkakaibigan. Hindi sila maaaring magsinungaling dahil ang mga upuan ay may lie detector devices na nakikita ni Ms. Disi sa kanyang monitor.
“Sige, Mr. Kr, ikaw na lang.”
Nagulat si Kr at napaisip. Naalala niya ang araw na gumawa sila ng report sa bahay.
-----
"Kainan naaaaa!!!" sigaw ni Z sabay pasok sa bahay ni Kr.
Tuloy-tuloy sila sa pagsubo ng pagkain, halatang gutom lahat.
"Patikim!" sabi ni Z sabay kuha sa pagkain ni Kr. "Penge ah? Sarap eh... Hehe!"
“Saya mo ah!” sabi ni N.
"Panong di sasaya..." singit ni Kr.
"Ano na naman?" tanong ni Z.
"Trip mo si O, noh?" tanong ni Kr.
"Hala. Hahahahahahaha! Anong tanong ‘yan? Tropa tayo dito, brad," sagot ni Z.
"Echosera! Hindi mo nga mabitawan ‘yung titig mo sa kanya kanina eh," singit ni N.
"Eh maganda naman siya. Hahaha. Kumpara mo naman kay Xe, 'di ba? Maganda, pero siya 'di madaling mapansin. Simple lang eh. Haha!" sagot ni Z.
"Andami pang nalalaman eh!” panunukso ni Kr. “Trip mo nga?"
"Pwede na... pwede na..." sagot ni Z.
"Ayuuuuuuuun namaaaaaaan!" kantiyaw ng dalawa.
"Pero tropa tayo brad, nagandahan lang talaga ako," nakangiting sabi ni Z.
"Diyan nagsisimula yan eh! Haha!" sabi ni Kr. "Alam ko na, Z!"
"Ay ano yan?" tanong ni N.
"Tropa naman natin yun, at nagandahan ka sa kaniya. Gwapo ka naman, 'di ba? Hahahahaha!" sabi ni Kr.
"Oh ,ano meron? Alam ko nang gwapo ako, matalino, loko lang. Ano ngayon?"
"Parang alam ko na! Haha." natutuwang sabi ni N. "Boys talaga...” bulong niya sa sarili.
"Wala,naisip ko lang... sabi mo gwapo ka... kaibigan naman natin si O, tas ngayon nagandahan ka sa kanya... paano kung..." sabi ni Kr.
“Anong trip ni Kr? Loko talaga 'to. Mabait naman si O. Kaibigan nga namin. Oo nga, maganda nga siya... pero... bakit kaya? Takte, Z, ayos tayo. Amp, Kr, anong ngiti 'yan. O,gagatungan pa ni N. Hala... ano ba 'to... bahala na nga!” naisip ni Z.
"Tulala si Z, amp!!! Hahaha!" kantiyaw ni Kr.
“Loko! Kung ano?” tanong niya sa kanilang dalawa.
“Kung ligawan mo! Hahaha. Pustahan bago matapos school year kayo na!” sabi ni Kr.
“Siraulo!” sabay bato ng kutsara kay Kr.
“Hahaha! Loko lang! Pero ayos lang rin kung totohanin mo.”
ITUTULOY.
Punto de Vista (Chapter 1)
Ang Punto de Vista ay kuwentong binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 1 2014 staff bilang kanilang creative writing project ngayong semestre.Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.

0 comments: