bea jacinto,
Nagsagawa ang Social Sciences and Humanities Cluster ng film showing bilang komemorasyon sa mga naging biktima ng Martial Law noong Setyembre 21, 2018 sa ganap na 11:00 ng umaga sa University of the Philippines Integrated School (UPIS) 7-12 Auditorium.
Isa itong pakikiisa sa proklamasyon ni Unibersidad ng Pilipinas (UP) Presidente Danilo Concepcion ng Setyembre 21 bilang UP Day of Remembrance na layong gunitain ang naging papel at sakripisyo ng pamantasan sa pakikibaka laban sa Batas Militar at itaguyod ang mga kalayaang akademiko’t sibil at karapatang pantao.
Nagpalabas sa programa ng serye ng mga dokumentaryo at video tungkol sa mga pangyayari at karanasan ng mga naging biktima ng human rights violations noong rehimeng Marcos. Ilan sa mga ipinakita ay “Horrors of Martial Law,” “Liliosa Hilao, First Detainee Killed During Martial Law,” at “Millenials for Martial Law.”
Nagsilbi itong paalala sa mga estudyante ng UPIS na huwag ibaon sa limot ang parteng ito ng ating kasaysayan.
Bukod dito, bilang partisipasyon ng buong UPIS, binihisan ang tanyag na estatwa na “The Teacher,” o mas kilala na Lorna, ng itim na tela na sumisimbolo sa madilim na nakaraan at pagtutol sa pagrebisa ng kasaysayan. //nina Bea Jacinto at Marco Sulla
Komemorasyon ng Martial Law, isinagawa sa UPIS
MULAT.
Tutok at masusing nanood ang ilang estudyante at guro ng UPIS sa isinagawang film showing ukol sa Batas Militar. Photo Credit: Marco Sulla
|

0 comments: