filipino,
“Ma, pangako, aakyat ka sa entablado.”
Pinauulit-ulit ko ito sa aking sarili. Iniisip na sa bawat gabing pagsusunog ng kilay ay may kapalit na tiyak na pagmamalaki ng aking nanay. Kahit gigising ako nang pagod, ayos lang dahil nga nagbitaw na ako ng salita sa kaniya.
Bawat pagsusulit, pati mga takda, at lalo na ang mga proyekto, sinisigurado kong ginagawa ko nang buong husay. Kahit na minsan nawawalan ako ng oras sa aking sarili at minsa’y naiiyak na sa sobrang hirap, hindi ako sumusuko dahil ipinangako ko sa kaniyang aakyat siya ng entablado.
Gusto ko kasi siyang makitang nakangiti nang may buong pagmamalaki, habang kinakamayan ang aking mga guro at matataas na opisyal ng paaralan sa harap ng marami. At pagkatapos niyon, magpapakuha kami ng litrato upang patunay na natupad ko ang matagal na niyang minimithi. At sa aming pag-uwi, isasabit ito sa haligi ng aming tahanang itinataguyod niya nang sarili.
Sa tuwing iniisip ko ito, hindi ko maiwasang ngumiti. Sobra akong nanabik na dumating na ang panahon ng pagbibigayan ng parangal upang sa wakas, masabi ko na, “Ma, aakyat ka ng entablado.” Panigurado kasing magagalak at magtatatalon siya sa tuwa. Paghahandaan niya ‘yun at tiyak na bibili ng isusuot niya dahil alam kong mahilig siyang pumustura na bihira niyang magawa sa tuwing suot niya ang kaniyang uniporme.
Alam ko kasing doble o triple pa siguro ng nararamdaman kong pagod ang nararanasan niya. Mauuna pa siyang bumangon sa araw upang ipaghanda ako ng almusal dahil pagpatak ng alas sais ay kailangan niya nang umalis. At sa kanyang pag-uwi, sakit ng katawan ang bitbit niya at paniguradong kinabukasan na kami ulit magkakakumustahan.
Pero parang isang malaking ilusyon lang naman ang lahat ng ito. Hindi ko naman yata makakaya pang tumuntong sa entabladong iyon. Hindi dahil sa ako ang may mali o hindi ako nagpakabuti. Ngayon kasi, napagtanto kong kahit ang pinakamatibay na ilaw at haligi ay napapagod din.
Hindi ko kasi napansing unti-unti na siyang napupundi. Di ko namalayang malapit na pala siyang bawiin. Ngunit bago pa man siya kunin, sabi ko sa kaniya, “Ma, aakyat ka pa ng entablado.” Pero kasabay ng pagbulong ko sa kaniya ng mga linyang ito, tumunog din ang pinakamatinis na ingay na nagpabingi sa akin habambuhay.
Alam ko, nahihirapan ka rin. Kaya nga siguro maaga kang umalis. Pero, ‘wag kang mag-alala. Noon pa man akin nang sinabi, hindi kita bibiguin. Kaya kahit na ngayo’y mag-isa ko lamang babaybayin ang entabladong pinangarap mong akyatin, alam ko namang masaya ka sa aking narating.
Literary: Entablado

0 comments: