filipino,

Literary: Pagkakataon

9/25/2018 08:40:00 PM Media Center 0 Comments




Mula sa pagawaan hanggang sa plastik na lalagyan
Pakiramdam ko na sa buhay ko’y may kakulangan
Hindi maisip ang mga maaaring paraan
Kaya’t pinabayaan na lamang ito at aking kinalimutan

Hanggang sa dumating ang panahon
Na ang isang lobong tulad ko’y nabigyan ng pagkakataon
Nilabas mula sa dating plastik na lalagyan
At nilagyan ng hangin upang makatikim ng kalayaan

Una, pangalawa, pangatlong ihip ng hangin
At unti-unti itong nagbigay buhay sa akin
Para sa isang lobong hangin lamang ang kakailanganin
Upang ang lupa ay akin nang lisanin

Pagkaalis mula sa dating kinabibilangan
Ako’y umasa na ang mga tungkulin ko’y agad kong malalaman
Ngunit hahayaan na lamang na magpaligoy-ligoy sa kalawakan
Layunin sa buhay ay hinahanap pa lamang

Sumabay lamang sa ihip ng hangin
Kahit hindi alam kung saan ako nito maaaring dalhin
Hinihintay ang tungkuling inilaan ng buhay sa akin
Kahit na ano pa man ang maaari kong gawin

Magliliwaliw lamang sa hangin
Hanggang mahanap ko ang aking tungkulin
Sasabayan lamang ang daloy ng hangin
Hanggang sa makumpleto ko ang aking mga gawain

You Might Also Like

0 comments: