sports,

Sports: UPIS Table Tennis Team, sumabak sa 31st Milo Little Olympics

9/25/2018 07:55:00 PM Media Center 0 Comments


PANGMALAKASAN. Nakamit ng UPIS Table Tennis Girls’ Team ang 1st runner-up place sa 31st Milo Little Olympics noong nakaraang Agosto 25-26. Photo Credit: UPIS Junior Paddlers

Lumaban ang University of the Philippines Integrated School (UPIS) Table Tennis Team sa 31st Milo Little Olympics na nilahukan ng mga estudyanteng edad 17 under ng National Capital Region noong nakaraang Agosto 25 at 26 sa Marist School of Marikina.

Matagumpay na napataob ng Girls’ Team sa round robin elimination ang mga koponan mula sa Clairemont Academy, La Naval Academy of Navotas, at St. Joseph College of Novaliches, Inc. Sa semi-finals, napabagsak nila ang mga manlalaro ng UST Angelicum College, Inc. Sa huli, nasungkit nila ang silver medal sa finals matapos kalabanin ang Niño Jesus House of Studies, Inc.

Sa kabilang banda, hindi pinalad ang Boys’ Team na makapag-uwi ng medalya matapos harapin sa eliminations ang koponan ng Sta. Elena High School at Marikina Science High School.

Natuwa si Ashley Turqueza, Girls’ Team captain, sa ipinakita ng kaniyang mga kasama. “Maganda ang [naging laro] ng aming team noong Milo competition. Makikitang nag-improve ang bawat isa sa amin.”

Wika naman ni Jazper Pacis ng Boys’ Team, “Satisfied kami sa naging resulta dahil kahit natalo man o nanalo ay pinakita namin na kami ang ‘Fighting Maroons’ sa lahat ng laban namin.”

Nais nilang pagbutihin pa ang tiwala sa bawat miyembro ng kanilang koponan, dahil para sa kanilang team events, napakalaking bagay na magkaroon ng kumpiyansa sa isa’t isa upang makamit ang ninanais na panalo.

Sunod na sumabak ang Junior Paddlers sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 81 na ginanap nitong Setyembre 22 at 23 sa University of the Philippines College of Human Kinetics (UP CHK) Gym.//ni Yanna Reblando

You Might Also Like

0 comments: