jasmine esguerra,
Muling nakabangon ang University of the Philippines Integrated School (UPIS) Junior Fighting Maroons matapos ang kanilang sunod-sunod na pagkatalo nang kanilang pabagsakin ang Rich Golden Shower Montessori Center (RGSMC) Basketball Team noong Sabado, Setyembre 8, sa Sulit.ph Breakdown Basketball League na ginanap sa Ateneo Moro Lorenzo Sports Center, Katipunan Avenue.
Ito ang muling pagkapanalo ng UPIS makaraan ang mga pagkabigo laban sa De La Salle Zobel Junior Archers (Agosto 27) sa Sulit.ph, at kontra sa University of Santo Tomas Tiger Cubs (Agosto 26) at Adamson University Baby Falcons (Setyembre 2) naman sa Zark’s Burgers–Pilipinas-Chinese Amateur Basketball League (PCABL) Smart Invitational Tournament.
Sinimulan nina Imman Armamento, Aldous Torculas, Abel Lopez, Jordi Gomez de Liaño, at Collin Dimaculangan ang unang kuwarter ng laban sa RGSMC. Winakasan ito ng tres ni Torculas na nagpalamang sa UPIS, 15-12.
Humataw ang opensa ng Maroons sa ikalawang yugto sa pangunguna nina Anjelo Moralejo, Dimaculangan, at Gomez de Liaño. Pilit humabol ang iskor ng kalaban sa pagtataguyod nina Luis Guzman at Andrei Toledana ngunit napigilan ng pag-free throw ni Lopez. Natapos ang kuwarter na angat pa rin ang UPIS, 30-23.
Umigting ang atake at depensa ng Maroons sa ikatlong kuwarter. Sa simula pa lamang, nagpaulan na si Dimaculangan ng consecutive shots. Sinubukan pang humabol ng RGSMC ngunit pumalya ang kanilang mga tangkang tres habang hindi nagpaawat ang Maroons sa tulong ng mga 3-point shot ni Gomez de Liaño. Wagi pa rin ang UPIS sa ikatlong kuwarter, 42-30.
Patuloy na umabante ang Maroons sa huling bahagi sa pamumuno nina Dimaculangan, Armamento, at Gomez de Liaño. Nagsikap makapuntos ang kabilang koponan sa pamamagitan ng 2-point shots nina Rommel Reposo at Toledana ngunit matibay pa rin ang depensa ng UPIS. Tinapos ni Fabi sa pag-2-point jump shot ang ikaapat na kuwarter, 70-39, tagumpay ang Maroons.
“We started the game slow. We were missing our free throws and nakisabay kami sa pace ng kalaban kaya dikit pa nu’ng 1st half. But after halftime, we stayed composed and followed coach’s game plan. We started playing defense and we were getting buckets. We were happy about the win but we still gotta work on our free throws and correct our mistakes in practice,” panayam kay Dimaculangan, ang top scorer ng UPIS.
Ang kanilang sumunod na laban ay noong Linggo, Setyembre 9, sa Zark’s Burgers–PCABL Smart Invitational Tournament laban sa Ateneo Blue Eaglets sa Philippine Buddhacare Academy.
Mga Iskor:
UPIS 70 - Dimaculangan 15, Torculas 14, Armamento 9, Moralejo 8, Gomez de Liaño 7, Lopez 5, Napalang 5, Cordero 4, Fabi 2, Villaverde 1, Villarevera 0, Abreu 0, Galotera 0
RGSMC 39 - Toledana 18, Javier 4, Torres 4, Guzman 3, Mariano 3, Valte 2, Cortez 2, Resposo 2, Gicci 1, Salonga 0, Bato-on 0, Bulawan 0, Gorpido 0, Urbina 0, Cardona 0, Gappe 0 //nina Pauline Demeterio at Jasmine Esguerra
Sports: UPIS Junior Fighting Maroons, muling bumangon mula sa pagkatalo

0 comments: