dama de noche,

Literary (Submission): Pakpak

9/25/2018 08:53:00 PM Media Center 0 Comments




Dinala ako ng iyong mga pakpak
Sa bughaw na langit, sa kumikislap na mga bituin, at sa matataas na alapaap
Dinala ako sa isang palasyo
Kung saan ikaw ang hari at ako ang reyna mo

Nilipad mo ako sa ibang kalawakan
At pinangakong hindi ako bibitawan
Pinagkatiwalaan ko ang pakpak mo
Kasabay nito’y pinagkatiwala ko ang puso ko

Kumilawa, kumanan, lumipad tayo sa ibang mundo
Sa mundo na ikaw lamang at ako
Tumira at nasanay, sa mundo nating dalawa
Nakampante sa mundong akala ko’y hindi guguho, hindi magigiba

Ngunit ang oras ay lumilipad
Na mas mabilis kaysa sa iyong mga pakpak
Pilit na ipinagaspas ang iyong panlipad na puro galos
Hirap na hirap ka’t tila ang pakpak mo’y nakagapos

Nakagapos, nakakadena sa aking puso
Nakagapos ka’t nakakadena, at alam kong nasasaktan ka na
Kinalaban natin ang oras at hindi tayo nanalo
Kaya’t ang ating mundo’t kalawaka’y nagiba

At hinayaan ko lang, pinanuod kong masira
Dahil alam kong wala nang halaga kung ang pagmamahal mo’y wala na
Sa pakpak mo’y tinanggal ko ang kadenang sa aki’y nakakabit
Bitawan mo ako nang mabawasan ang bigat at ang sakit

At hahayaan kita,
Lumipad sa langit, bituin, at alapaap
Hahayaan kitang bumuo ng bagong mundo, bagong kalawakan
Sapagkat ang paglipad mo'y papalayo na mula sa'kin

You Might Also Like

0 comments: