edgewright,

Literary: Tres-Setenta

9/25/2018 08:23:00 PM Media Center 0 Comments




Dala-dala ang aking mga maleta
Pati ang mga pasalubong at mga ihinandang surpresa
Ako ay muling babalik sa aking bansa
Matapos ang matagal na panahon, makikita ko na muli ang aking pamilya

Ilang oras ng paghihintay ang lumipas
Nang sa wakas ay narinig ko ang anunsyo, hudyat ng aking pagluwas
Sa aking pagkasabik at tuwa ako’y agad na kumilos at kumaripas
Papunta sa eroplanong magdadala sa’kin tungo sa magandang bukas

Sa pag-senyas ng piloto
Ako’y naghandang lumipad kasama ang dalawang daan at dalawampu’t anim na pasahero
Di’ nagtagal, nasa ere na ang aking sinasakyang eroplano
Ako’y sumilip sa bintana upang makita lamang ang mga tala na natatakpan ng langit na maabo

Mahimbing ang aking tulog nang mabulabog ng mga sigawan
Mga taong nagkukumahog sa hindi malamang dahilan
Sinubukan kong magtanong ngunit di’ ko sila maintindihan
Pero bakas sa mata nila, na malapit na ang kanilang katapusan

Ako’y nagdasal at nanalangin
Makikita ko pa kaya ang pamilyang naghihintay sa akin?
Hindi ko alam ang aking gagawin at iisipin
Ito lang aking huling masasabi, bago kami tuluyang mawala at maglaho sa hangin

You Might Also Like

0 comments: