filipino,

Literary (Submission): Binhi

9/01/2018 09:30:00 PM Media Center 0 Comments





Nagsimula sa isang maliit na binhing ibinaon sa lupa
Bawat araw dinidiligan
Sa tuwing umaga’y pinaaarawan
Hinding-hindi nauubusan ng kalinga

Sumunod ay may munting dahon na lumitaw
Malambot at matingkad ang taglay nitong kulay
Patuloy pa rin ang pagdidilig at pagbibilad sa araw
Upang munting binhi’y lumago’t maging halaman

Kinalaunan, ito’y lumaki
Yumabong ang mga dahon
Tumibay rin ang mga tangkay at sanga
Kasabay ang patuloy na pag-aaruga

Isang araw, hindi na ito isang munting binhi
Naging isang napakaganda na’t matayog na puno
Matangkad at lunting-lunti ang mga dahon
Ang mga sanga’y tinitirhan na ng mga ibon

Ngunit humagupit ang isang bagyo
Ang dating punong matikas na nakatayo
At mayayabong ang dahon,
Ngayo’y nakahiga na’t nakalbo

Nasilayan ang paglaki ng munting binhi
Na nakapagbigay-ngiti sa aking mga labi
Ito’y aking pinuspos ng pagmamahal
Nang higit pa sa aking sarili

Aking puso’y nadurog
Nang makita ang punong nahulog
Ang aking silungan sa tuwing napapagod
Sa lupa na’y nakayukod

Paalam, munting binhi

You Might Also Like

0 comments: