daylight,
Malamig ang simoy ng hangin. Kasinlamig lang ng hangin ang panahon sa Baguio noong binisita namin ang lola ko para sa Pasko. Kasama kong pumunta ang pamilya ko at ang pamilya ni Sam. Magkaibigan kasi ang mga tatay namin, kaya halos lahat ng lakad namin, kasama sila.
Halos parang magkapatid na kami ni Sam. Laging magkapareho ang ginagawa namin, kung di man magkasama. Pag nagbabasketbol siya, sinasamahan kong maglaro. Pag gusto kong manood ng mga pelikula ni Vice, sinasamahan niya ako kahit naghihilik lang naman siya sa sinehan. Pinag-aralan niya ring mag-braid para lang matalian niya ako ng buhok.
Noong pumunta kami sa bahay ng lola ko, pagkapasok pa lang ay binigyan na niya kaming dalawa ng malaking yakap. Madalang kasi namin siyang binibisita sa Baguio; ang huling punta ko rito ay baka noong mga pitong taong gulang pa lang ako.
‘Yon ang pinakapaborito kong alaala sa kaniya. Iyon ang huling pagsasama namin bago kami nag-college. Matapos ang higit sa sampung taon, ngayon ko lang siya ulit makikita.
Sa kabaong niya.
Ngayon, hindi ko na alam. Hindi pa rin bumabaon sa isip ko na wala na siya. Na nawalan ako ng kalahati. Wala nang magbe-braid ng buhok ko. Wala nang pipilit sa aking magbasketbol kahit sobrang mainit.
Wala na siya.
Hindi ako lumuha. Hindi ko kayang lumuha. Hindi ko alam kung bakit hindi ako lumuluha. Parang wala akong nararamdaman. Parang hindi ito nangyari. Pero nandiyan ang kabaong niya, unti-unting nilulubog sa lupa.
Sabi niya sa akin dati noong bata kami, “Kahit ano’ng mawala sa ‘yo, huwag kang umiyak. Kasi kahit kailanman, meron ka pang ibang pinahahalagahan.”
Hindi ko naman aakalain na siya ‘yung mawawala sa ’kin.
Nagpakawala ako ng mahinang buntonghininga. May gusto pa sana akong sabihin sa kaniya. Hindi ko nasabi kahit kailan. Kahit bilang kapamilya, hindi ko ito nasabi. Matagal ko nang kinikimkim ang mga salitang ito. Alam kong huli na ang lahat, pero…
“Mahal kita, Sam.”
Kahit mahina lang ang boses ko, sana’y marinig mo pa rin, Sam.
Mahal kita, Sam. Mahal na mahal kita sa simula pa lang.
Kahit kailan man, hindi kita narinig magsalita, mahal na mahal pa rin kita.
Itinaas ko ang ulo ko at pumikit ako. Wala na akong iniisip kundi ang hinga ko at ang lamig ng simoy ng hangin.
Hindi pa rin ako makaiyak.
Pagkatapos ng ilang segundo, may tumapik sa aking balikat. Namulat ako kaagad, at nagulat ako na nandoon pala ang nanay ni Sam. Tiningnan niya lang ako nang may malumanay na ngiti. Bumalik ako sa pagpikit ng aking mga mata.
Mahina niyang sinabi, “Ella, may gustong sabihin si Sam.”
Nanlaki ang mata ko at tinitigan ko siya. “Ano’ng sabi n’yo, Tita?”
Wala siyang isinagot, sa halip, naglabas siya ng isang pirasong papel. Tahimik niyang ibinigay sa akin ang papel.
“Basahin mo,” aniya.
Nagtaka ako sa iniabot niya. Pagkatapos ay lumayo na ang nanay ni Sam.
Pagkabukas ko ng papel ay may sulat sa loob. Pagkabasa ko ng unang mga linya, mas humigpit ang hawak ko sa papel.
“Dear Ella,”
May sulat ka para sa ‘kin, Sam?
Binasa ko ang liham niya, bawat salita, isinasapuso ko.
Dear Ella,
Kumusta ka naman? Sana okay naman ang pakiramdam mo. Alam mo naman na hindi ako magaling sa pagsasalita, kaya didiretso na ako sa gusto kong sabihin.
Sorry.
Sorry hindi kita nahintay. Gusto ko talaga sanang hintayin ka bago ako operahan. Alam mo naman na yata kung ano’ng nangyari pagkatapos ng opera ko, di ba?
Ginusto ko talaga ito para sa sarili ko, kaya huwag kang mag-alala. Kahit kailanman, hindi ko naisip na kawawa ako dahil pipi ako, gusto ko pa ring marinig mo ako.
Matagal na tayong hindi nagkikita, pero hanggang ngayon, sa mga huli kong araw, ikaw pa rin ang iniisip ko. Malamig dito, Ella. Mas malamig pa kaysa sa Baguio.
Sana nandito ka ngayon. Pero kahit na wala ka, hindi pa rin ako iiyak. Nasa akin pa rin lahat ng alaala natin. Kung nasaan ka man ngayon, sorry kung bigla akong papasok ulit sa buhay mo sa huli kong oras.
Hindi ko nasabi dati bago mag-graduate kasi naduwag ako. Kahit naman ngayon, duwag pa rin ako, e, haha. Pero ito na, sasabihin ko na.
Ella… mahal kita. Hindi lang bilang kaibigan. Mahal na mahal kita mula noong bata pa tayo. Hindi ako nakakuha ng lakas ng loob para sabihin sa ’yo dahil takot ako na ma-reject. Baka magbingi-bingihan ka na naman sa ‘kin. Gusto ko lang talaga marinig mo ako:
Mahal kita, Ella.
Maraming damdamin ang umiikot sa puso ko. Lahat ng nararamdaman ko naghalo-halo na.
Galit? Lungkot? Saya?
Hindi ko napansin na basa na ang pisngi ko sa luha. Hinawakan ko ang liham niya malapit sa dibdib ko. Bawat hinga ko, paulit-ulit lang ako, “Rinig kita, Sam... Rinig na rinig kita...”
Mahal na mahal din kita, Sam. Rinig na rin kita.
Sana lang naririnig mo rin ako.
Literary: Rinig kita

Galing!!!!!
ReplyDelete