filipino,
Para sa umaasa,
Kumusta ka? Masaya ka ba ngayon? Lalo na ngayong ilang buwan na ang nakalipas mula nang kumuha ang batch mo ng exam sa isa sa pinakamalalaking pamantasan sa Pilipinas. Siguro’y hindi pa, dahil hindi pa inilalabas ang resulta ng exam.
Naaalala mo ba kung gaano katagal ang oras na ginugugol mo sa review center para lamang maalala muli ang lahat ng pinag-aralan mo mula Grado 7?
Naaalala mo ba kung gaano ka naging ka-chill nang matapos ito? Pero pagbalik naman ng pasukan, tuloy pa rin sa pagrerebyu. Gumagawa ka pa nga ng reviewer sa mga index card para lang mayroon kang madaling dalhin na reviewer kahit saan ka magpunta. Nagpaskil ka pa nga sa kuwarto mo ng mga listahan ng mga formula na kailangang kabisaduhin. Sabi mo, para sa tuwing titingin ka sa iyong dingding, maisasaisip mo na agad ang lahat ng ito.
Naaalala mo rin ba kung ano ang mga isinakripisyo mo para lamang makapag-concentrate sa pagrebyu? Binawasan mo muna ang pagso-social media pati na ang panonood ng mga series at K-drama. Pero hindi mo naman tinigilan nang buong-buo dahil baka mabaliw ka naman sa kakaaral.
Naaalala mo rin ba kung ilang beses ka nang umiyak? Dala ng kakaisip sa mga bagay na hindi pa naman nangyayari. Minsan, hindi mo alam, pero bigla mo na lang napagdududahan ang sarili mo. Minsan, nangangamba ka kasi hindi mo alam kung maipapasa mo ba at kung hindi (huwag naman sana) ay kakayanin mo ba. Lalo pa kung sasagi sa iyong isipan ang mga taong nampe-pressure. Dagdag pang alalahanin ‘yung mga taong umaasa, sumusuporta, at naniniwala sa iyo at ayaw mong biguin sila.
Paano pa kung lumabas na ang resulta? Iiyak ka rin kaya? Sa tuwa o sa dismaya? Sa tuwa dahil lahat ng pinagsikapan mo nang ilang buwan ay nagbunga ng maganda? O sa dismaya dahil ginawa mo naman ang lahat ngunit saan ka nagkulang?
Iiyak mo lang ang lahat paglabas ng resulta. Basta’t palagi mong tatandaan na hindi lang iyan ang natatanging unibersidad na maaari mong pasukan. Marami rin namang ibang paraan upang makapasok sa pamantasang ito. At napakarami ring paaralan sa Pilipinas at maging sa ibang bansa na bukas ang bisig na tatanggap sa ‘yo.
Palagi mong tatandaan na ang makikita mong resulta ay hindi hudyat na katapusan na ng mundo. Hindi ito ang magiging sukatan ng pagkatao mo. Ang tao ay higit pa sa mga numerong nakalagay sa papel, gaya ng sabi ng isang awtor na “mas marami pa s'yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n'ya, mas marami pa s'yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n'ya, at mas mataas ang halaga n'ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n'ya tuwing sweldo.”
Kung nabigo ka man, alalahanin mo na ang mahalaga ay ginawa mo ang lahat ng makakaya mo, sinubukan mo at kinaya mo. Sabi nga ng isang pari sa misa, “You will not get everything you want but He will provide you everything you need.”
Kaya’t huwag kang mawawalan ng pag-asa. Parte ito ng buhay. Ayon nga sa isang pilosopo, “Parang noong una ngunit, iba at higit pa”—masaktan ka man, tanggapin mo ito dahil dito mo matatagpuan ang panibagong pag-asa na hindi katulad ng dati. Maaari mong makita ang isang oportunidad na higit pa kaysa sa dati. Patuloy ka lang sa pag-asa—dumating man ang bagong pagkalugmok sa iyong buhay, alam kong kakayanin mo ito, tulad ng bolang tatalbog muli matapos ang pagbagsak, ng along nagmumula sa ibaba saka hahampas paitaas.
Literary (Submission): Kakayanin
Marso 19, 2019

Maasahan mo,
Ang iyong kasama’t karamay mula pa man sa umpisa
0 comments: