filipino,
Ito na ang huling yugto ng paligsahan
Gigil na gigil makabawi ang bawat koponan
Tumatagaktak ang pawis sa ’king mga pisngi
Kinakabahang baka kami’y di magwagi
Matibay ang depensa ng aming kalaban
Aking mga tira’y palaging nasasapawan
Ngunit malakas din ang aming opensa
Kaya kahit papaano’y nakakamaniobra
Dumapo sa mga kamay ko ang pinag-aagawang bola
Lahat ng mga mata ay ako lang ang nakikita
Kaya’t kailangan ko ng magandang estratehiya
Upang makalusot sa kanilang barikada
Heto na ang aking pagkakataon
Aking paningin, sa layunin nakatuon
Kakaunting oras na lang ang natitira
At mga puntos sa pader ay waring tabla
Handa na akong makapasok
Ang bola’y aking inasinta
Sabay hagis, kumawala na sa aking mga kamay
Dumadagundong ang dibdib ko sa kahihinatnan
SHOOT!
Dalawang puntos ang naitipa
Hangad na tagumpay ay nakamit na
Naghiyawan, nagpalakpakan ang natutuwang madla
Abot-tenga ang ngiti ng aking mga kasama
Ngunit pagkatapos ay may iba pang naganap
Sa kamay ng kalaban ang bola’y nalaglag
Simbilis ng hangin ang sa amin ay gumulat
Sa isang kisapmata, nagbago ang lahat
Tatlong puntos ng kalaban
Sa huling patak ng orasan
Kaya kami ngayo’y uuwing luhaan
Literary: 3 puntos, Iskor!

0 comments: