filipino,

Literary: Trabaho

9/25/2018 08:27:00 PM Media Center 0 Comments




“Ma! Bili mo ‘ko ‘non! Ang ganda!”
Pagmamakaawa ng bata sa kanyang ina
“Pasensya na anak, sa susunod na lang,”
Malungkot na sagot sa kanya

Matapos ang walong buwan, uulitin na naman
Ng bata ang pagpipilit sa isang laruan
Na kahit gaano maghirap ang kanyang ina sa trabaho
Hindi pa rin niya kayang anak ay pagbigyan

“Ma, ‘wag ka munang umalis!”

Sigaw ng batang maliit
Nagmamakaawang ang ina ay manatili pa nang saglit
Bago lumisan at magtrabaho muli
Kung saan ang ina’y babalik sa pagtatahi

“Sige, Ma, ingat ka ha! Mahal na mahal kita!”
Sigaw ng batang tanggap na
Ang bawat pag-alis ng kanyang ina
Umiiyak at naghahanda sa darating na pag-iisa

Matapos ang pitong buwan
Tuwang-tuwa ang bata sa paglapit ng kagustuhan
Na ang ina’y makasama sa hapagkainan,
Kasabay sa pagkain at sa kwentuhan

Ganito ako noon, noong bata pa ako
Pinuno ng aking ina ang utak ko ng mga pangako
Araw-araw akong nag-aalala sa kanyang pwesto
Inaabangan ang liham na nagsasabing “Uuwi na’ko,”

Ngunit hindi na iyon dumating

Ang eroplano, hindi na nakababa

You Might Also Like

0 comments: