elora,

Literary: Ngayo't Tumitindig

9/01/2018 08:13:00 PM Media Center 0 Comments





Naranasan ko na ang sakit ng pagbagsak,
Walang sakit na hihigit pa roon.
Napakaraming alon ang humampas sa akin,
Matataas at malalakas at tila di nagwawakas.

Sa aking pagbagsak,
Tila katauhan ko'y nawasak.
Nakita’t naranasan ko ang dilim,
Ngunit pinili ko itong ilihim.

Nang malubog sa paghihirap,
Kamay ng magulang ko ang nahanap.
Iniahon at itinayo ako,
Mula sa aking pagkabigo.

Tao lamang tayo,
Nagkakamali at nasasaktan.
Dapat sa mga alon tayo ay tumulad
Sa hampas ng hangin, iilalim muna saka aangat.

Ngayong nakatindig na ako,
Maraming bagay ang natutunan ng isip at puso.
Pansamantala lamang ang pagbagsak
Sa iyo ang desisyon kung mananatili ka sa lapag.

You Might Also Like

0 comments: