jasmine esguerra,

Sports: UPIS Junior Fighting Maroons, bigo sa DLSZ Junior Archers

9/01/2018 07:32:00 PM Media Center 0 Comments


TAPANG. Matinding inaatake ni Polo Labao ng UPIS ang depensa ni Louis Subido ng DLSZ. Photo credit: Renzo Dela Cruz
Hindi pinalad na manalo ang University of the Philippines Integrated School (UPIS) Junior Fighting Maroons kontra sa De La Salle Zobel (DLSZ) Junior Archers sa Sulit.ph Breakdown Basketball Invitational Tournament noong Lunes, Agosto 27, sa Ateneo Moro Lorenzo Sports Center, Katipunan Avenue.

Sa umpisa pa lang ng laban, inalat na ang mga layup ng UPIS sabayan pa ng matinding depensa ng DLSZ, dahilan para matambakan ang Maroons sa unang kuwarter, 28-14.

Sinubukang humabol ng UPIS pagdating ng ikalawang yugto ngunit mahina pa rin ang opensa. Dahil sa pag-foul ni Allen Pingol ng Archers, nakapag-free throw nang dalawang beses si Ray Allen Torres ng Maroons na sinusugan pa niya ng two-point layup. Bunga ng magandang depensa, napigilan ng UPIS ang paglobo ng iskor at naibaba sa sampu ang lamang ng kalaban. Nagtapos ang kuwarter sa iskor na 41-31.

Hindi pa rin nagpatalo ang UPIS nang umpisahan ni Timothy Tuazon ang ikatlong kuwarter sa two-point layup. Ngunit solido ang depensa ng DLSZ sa kanilang mga pang-aagaw ng bola at panghaharang sa mga tira ng Maroons na nagpalamang sa kanila sa wakas ng kuwarter, 64-48.

Sa huling bahagi, determinado pa rin ang UPIS na masuwerteng nakapagsunod-sunod na free throws dahil sa mga foul ng kalaban. Pero nakalamang pa rin ang DLSZ sa huli dahil sa sunod-sunod na two-point jump shots. Nagtapos ang laban sa iskor na 82-64, wagi ang DLSZ.

“Ang kailangan naming gawin ay magkaroon ng teamwork at paikutin ang bola,” sabi ni Tuazon, ang top scorer sa laro. “Ang pagkukulang namin ay ‘yung pace, defense, at unity namin,” dagdag pa ni Torres.

Ito ang ikaanim nilang laro sa nasabing torneo at ang una nilang pagkatalo. Tagumpay ang kanilang iniuwi sa unang apat na laban habang pagkabigo naman sa ikalima kontra Treston International College noong Agosto 26, 99-69. Ngunit sa tunggaliang ito, sila pa rin ang itinuring na nagwagi sapagkat ang mga manlalaro ng Treston ay lampas 19 na ang edad na labag sa patakaran.

Hindi rin nagtagumpay ang Junior Fighting Maroons sa laro nila sa Zark’s Burgers–Pilipinas-Chinese Amateur Basketball League (PCABL) Smart Invitational Tournament laban sa University of Santo Tomas (UST) Tiger Cubs, 81-63, noong Agosto 26 sa Philippine Buddhacare Academy.

Ang kanilang susunod na laban ay sa Zark’s Burgers–PCABL Smart Invitationals kontra sa Adamson University Baby Falcons sa darating na Linggo, Setyembre 2, sa parehong venue.

Mga Iskor:
UPIS 64—Tuason 20, Torres 10, Dimaculangan 5, Labao 4, Gomez de Liaño 3, Vergeire 3, Condalor 2, Santiago 2, Estrera 1, Ebreo 0, Armamento -1, Torculas -1
DLSZ 82—Pacual 16, Sevilla 13, Damiles 12, Cudimat 9, Bucayo 8, Jomalesa 5, Milan 5, Villarin 5, Subido 4, Pingol 3, Luna 1, Macasaet 1, Danao 1, Marana 1, Dee 1, Unisa -2 //nina Pauline Demeterio at Jasmine Esguerra

--------------------
Erratum: Humihingi po kami ng paumanhin sa pagkakamali sa istatistiks ng iskor noong unang inilabas ang artikulo. Narito po ang tamang tala ng mga puntos:

UPIS 64 – Tuazon 15, Labao 13, Torres 10, Dimaculangan 6, Vergeire 5, Santiago 5, Estrera 4, Gomez De
Liaño 2, Torculas 2, Condalor 2, Armamento 0, Ebreo 0
DLSZ 82 – Sevilla 15, Pacual 12, Jomalesa 9, Subido 8, Cudiamat 7, Macasaet 6, Villarin 5, Buncayo 5,
Damiles 4, Milan 4, Unisa 3, Danao 2, Pingol 2, Dee 0, Marana 0, Luna 0

You Might Also Like

0 comments: