ermita,
Ang buhay ay sadyang napakaikli. Kaya sabi nila, gawin na natin ang lahat ng ating mga gusto. Bahala na kung sa dulo’y magsisi ka. Bahala na kung sa dulo’y di ka na masaya. Bahala na ang future me, siya na ang mag-alala. Basta sa ngayon, nagawa mo ‘yung gusto mo, di ba?
At upang lalo pa nating masulit ang kakaunting oras na ibinigay sa atin, narito ang ilang tried-and-tested life hacks, galing sa isang eksperto na inenjoy rin ang buhay niya:
1. Magrebyu sa gabi bago ang pagsusulit.
Napakasayang mag-cram. Napakasayang tumihaya na lamang at hintayin ang pinakahuling segundo bago mo simulang aralin at kabisahin ang mga konsepto. May tiwala ka naman sa utak mo para sa mga ganito. Kung bagsak, bagsak. Wala naman tayong magagawa roon.
2. Titigan si Crush habang may kasama siyang iba.
Siyempre, pasimple muna para hindi mahalata. Pero kapag hindi na siya nakatingin sa direksyon mo, ‘ayan, tadtarin mo na ng mga titig mo. Pagmasdan mo ang kaniyang makinis na mukha, mapupungay na mga mata at matamis na ngiti. Tiyak na mararamdaman mo ang sarili mong nahuhulog muli. Ngunit, tandaan, hanggang tingin ka lang.
3. Manood ng news upang maging in sa social media.
Naging uso na ngayon ang “pagiging mulat” at pagbabahagi ng mga opinyon kadalasan sa Twitter at sa Facebook. Simpleng panonood mo lang ng TV Patrol ay tiyak na makakakuha ka na ng sapat na impormasyon upang bumuo ng isang opinion tweet o post. Dagdag pa, huwag ka na ring sipagin pang magsaliksik ukol dito sapagkat likes, favorites, at views lang naman habol mo, hindi naman pagmulat sa ibang tao, hindi ba?
4. Magtapon ng basura… basta kung saan masisiksik.
Napakalayo naman ng basurahan. Magpapaalam ka pa sa guro sa harap, tatayo’t maglalakad para lang itapon ang isang maliit na wrapper. Kung isisiksik mo na lang muna sa mga sulok ng upuan mo, hindi naman siguro mapapansin. Hindi rin naman siguro ito makakapagpalala pa lalo sa taas ng baha sa Pilipinas tuwing bumabagyo, ‘no?
5. Umasa sa mga kaklase para sa notes at assignment.
Bakit ka pa maghihirap magsulat sa notebook mong malinis at walang laman kung nandiyan naman ang masipag mong kaklase upang gawin iyon para sa iyo? Tapos kapag may pinapagawa ang guro na takdang-aralin, tanungin mo na lang din siya. Bukod pa sa wala ka na ngang kailangang trabahuhin pa, mataas pa ang makukuha mong grado. Saan ka pa? Ipagdasal mo nga lang na tuwing may pagsusulit, nandiyan din siya kasi hindi mo kayang sagutan iyon nang mag-isa.
6. Huwag pakinggan ang mga payo ng magulang.
“We’re young, and wild, and free,” ‘ika nga sa isang kanta. Kung kaya’t bakit mo pa ba kailangang makinig sa mga magulang mo, e, sila nga ang pumipigil sa iyo na maging young and wild and free? Gawin mo na lang ang gusto mo. Ikaw naman ang nakakaalam kung ano ang nakabubuti sa iyo. Ano ba ang alam nila sa paborito nilang kasabihan na “Sa huli ang pagsisisi”?
7. Pumunta ng UPTC at gabi na umuwi sa bahay.
Ang lamig sa UPTC at nandoon pa ang paboritong mga kainan ng lahat. Binigyan ka pa ng ekstrang baon at saan mo pa ba gagamitin iyon? Magigising ka naman siguro nang maaga para sa una mong klase. Katwiran mo pa, kawawa naman ‘yung kaibigan mo, mag-isa lang gumala. Di bale na kung antukin ka sa Math at hindi mo na maintindihan lahat ng pinagsasasabi sa harap. Di bale na kung bumagsak sa susunod na eksam. Basta nasamahan mo ang kaibigan mong sumaya, okey na ang lahat.
8. Manood muna ng YouTube bago simulan ang mga kailangang gawin.
May bagong in-upload ang paborito mong channel. Saglit lang naman, mga 18 minuto. Pagkatapos nito, gagawin mo na ang mga takdang-aralin. Ngunit, inaantok ka na habang nanonood. May bukas pa naman para umpisahan ang reqs. Magpahinga na lang muna ngayon. Sabagay, baka hindi pa naman magpapaulan ng gagawin ang mga guro sapagkat malapit na ang perio, hindi ba?
9. Magkagusto sa isang kaibigan.
Tamang-tama, malapit lang siya sa iyo lagi. Kilalang-kilala mo na siya. Pati buhok niya sa braso, bilang na bilang mo na. Tama lang siguro na magkagusto ka sa kaniya. Kahit na sabihin niya sa iyo na hindi siya kailanman magkakagusto sa iyo at magkaibigan lang kayo, okey lang, ituloy mo pa rin. Magkasama naman kayo lagi kaya baka magkagusto rin siya sa iyo. Baka. Siguro. Ewan.
10. Umasa sa universe na ibibigay sa iyo ang lahat.
May mga kandila naman sa simbahan para sa mga hiling mo. May wishing well pa. May mga shooting star. May pilikmata pa naman ‘yung katabi mo. May mga talulot pa naman ang mga bulaklak sa hardin ninyo. Bakit mo pa kailangang maghirap para sa lahat ng gusto mo kung nandiyan naman ang universe upang tuparin ang lahat ng hiling mo? Hindi ka naman siguro nito parurusahan sa pagiging tamad, di ba?
Kung ginawa na ninyo ang lahat ng ito, palakpakan ninyo ang inyong mga sarili. Tiyak na sumaya kayo sa isang punto ng buhay ninyo, dahil ako, oo.
Huwag lang kayong aasa na tatagal iyang kaligayahang nararamdaman ninyo dulot ng mga ito, ha, kasi sigurado ako, mabibigo rin kayo.
Literary (Submission): Panandaliang Kasiyahan

0 comments: