filipino,
Mula sa simula ay naroroon ka na:
Noong inuwi ko ang gintong medalya
Sa Tagis-Talino ukol sa Sibika at Kultura
Ako ay hinangaan at pinalakpakan ng madla
Hanggang sa magwagi ako ng unang gantimpala
Nagwagi at nakuha ko ang korona
Noong ako ay ginawaran ng titulong mutya
Mula sa labimpitong mga kandidata
Ikaw ay nariyan noong unang beses akong umibig
Noong nakilala ko ang aking daigdig
Mula sa unang beses niyang pagsundo at paghatid
Lahat ng iyon ay ‘yong nasilayan at nabatid
Ngunit nasaksihan mo rin ang aking pagbagsak
Matapos nilang dayain at baguhin ang resulta
Noong binawi sa akin ang koronang natanggap
Kaya’t pagkatalo ay aking tuluyang hinarap
Nasaksihan mo rin nang ang puso ko ay nawasak
Matapos niya akong bitawan at iwan nang tuluyan
Lahat ng ngiti at tawa ay napalitan ng hikbi at iyak—
Ang sakit na nadama ay hindi ko malilimutan
Lahat pala ay itinago mo sa isang maskara
Paano mo kinakaya at nasisikmura
Ang pagpapakalat mo ng mga panunuya
Upang ibaba ako sa harapan ng madla?
Pati pagkatao ko’y nais mong sirain
Paano mo ito naaatim?
Ang pagnanais na ako’y pabagsakin
At ang mga sugat ko ay budburan pa ng asin
Ganyan pala ang tunay na kaibigan
Sumasaksi upang pagkakamali mo’y pagtawanan
Naririyan upang ikaw ay lait-laitin
Handang tapusin ang ‘yong mga pangarap at mithiin
Salamat sa lalong pagdurog sa puso ko’t kaluluwa
Sa lahat ng masasakit at nakapanlulumong mga salita
Mula sa aking pag-angat hanggang sa paglagpak
Asahan mong babangon ako muli sa aking pagbagsak
Literary: Natatanging Saksi

0 comments: