de bourbon,
Ako ay isang munting langaw
Lumilipad kung saan-saan, gabi o araw
Dumadapo sa pagkain, masarsa man o may sabaw
Hindi mapatay ng tao sa bilis ng galaw
Nakatira sa basurahan, halaman, o sa puwet ng kalabaw
Pulang matang kay linaw
Kung saan-saan lumilitaw
At nabubuhay sa loob lang ng 28 na araw
Simple lang naman ang dapat sundan sa buhay
Upang makalipad, sa hangin sumabay
Kapag may tao, iwasan ang ingay
Upang ‘di makita, dumapo sa itim na bagay
Palaging iwasan ang palong dala ng mga kamay
Ito ang aking gawaing paulit-ulit
Lahat may takdang oras, walang pasaglit
Walang bagong ganap, walang gawaing papalit-palit
Ni emosyon walang nararamdaman— saya, lungkot, maski galit
Alam ko ganito ako isinilang
At ito ang aking buhay na itinakda
Sapagkat wala naman akong magagawa
Dahil isa akong langaw, ‘di maikakaila
Dahil dito, ako'y napaisip
Na gusto ko ng iba, gusto kong managinip
Biglang sumanib sa akin ang pakiramdam na kay sikip
Na habang buhay na lang ba ako sa basura maninipsip?
Pagkatapos, umalis ako
Sinimulan ko ang buhay kong epiko
Kung saan hindi susunod sa daan, ako'y liliko
Dahil ayoko na sa buhay na ganito
Kaya gamit ang aking pakpak…
Kung saan-saan ako napadpad...
Sa mundong napakalawak…
Dahil kinayanan kong lumipad…
Literary (Submission): Langaw

0 comments: