cinnamon bun,
Dumilat ka at di masilayan ang sarili
Ika’y nawawala sa kawalan
Nakagapos sa kadiliman
Ika’y hindi makalabas
Inakala mong ikaw lamang mag-isa
Ang nag-iisang pumapasan, at
humaharap sa bigat ng itinapon sa iyo
ng realidad na iyong kinabibilangan
Sa higpit ng tadhana
Ika’y hinigit patungo sa laylayan,
At sa iyong pagbagsak
Pilit kang bumabangon, tumutungo sa liwanag
At kung ang mga kamay ay dumudulas na sa pagkapit
Humawak ka pa rin nang mahigpit
Alalahanin kung paano nailigtas ang sarili mula sa malupit na kahapon
Para saan pa ang mga iyon kung ikaw ay tutumba pa ngayon?
Kaibigan, may katuwang ka
Ngunit hindi mo sila nakikita
Dahil ikaw ay patuloy na nakatingin pababa
Huwag sanang panawan ng pag-asa
Sapagkat hindi mo hawak ang mundo nang mag-isa—
Maraming kamay ang tutulungan ka’t aakapin
Aakayin ka sa iyong mabibigat na pasanin
Ang pagsubok ay magwawakas na
Lahat ng gabi’y hahangga sa umaga
Tatayo ka sa iyong pagmulat
At ang araw ay muling sisikat
Literary: Sa Iyong Pagmulat

0 comments: