filipino,
Masaya sanang lumipad
Kung magkakatotoo ito’t kakayanin
Sapagkat malaki ang biyayang hinahain nito
Para sa mga taong mapangarapin
Ang paniniwalang lalaya tayo sa langit
Ay tiyak namang nakahuhumaling
At nakamumulat sa bagong pananaw
Para sa mga taong tulad natin
Ngunit parang hindi rin naman ganito talaga
Lalo na’t mahirap maganap ang hindi maaari
At kung tunay namang makalilipad tayo
Ang masasabi kong pagkaunawa ko rito ay naiiba
Masyado kang mapalalayo nito
Makalilimutan mo ang iyong mundo
Hanggang sa punto na ika’y kaiinisan
Ng mga taong iniwan mo
Akala mo’y mabuti ang lagay sa itaas
Pero hindi pangmatagalan ito
Saglit ka lamang makalilipad doon
At mahuhulog muli sa katotohanan mo
Masarap sa pakiramdam ang muling pagkaka-angat
Ngunit masakit din sa dibdib kung ito’y matatapos
Kaloob ang magkaroon ng ginhawa sa buhay
Subalit sumpa rin ito kung alam mo ang magiging kahihinatnan
Walang masama sa paniniguro
Lalo na kung hindi lahat ng tao'y handang masaktan
Nang dahil sa kakulangan ng pagsasaalang-alang
Sa mga bagay na madaling mabalewala
Mainam na sa akin ang hindi makalipad
Sapagkat masasayang lamang ang panahon kung dito gugugulin
Sa madaling salita ay ayaw kong lumipad
Ngunit nasa iyo kung maniniwala ka sa taong lutang lamang ang isip
Literary (Submission): Ayaw kong lumipad

0 comments: