filipino,
Nabibingi na ako,
Sa katahimikan.
Kung saan tayo ay mistulang mga pipi
O bulag
Mga walang malay sa kapaligiran,
O walang balak itong aksyunan,
Tila pinagkaitan ng pakialam.
Nabibingi na ako,
Sa mga bulong
Ng aking mga bayani,
Ng aking mga ninuno.
“Ito ba? Ito ba ang bayan kong pinag-alayan ng aking buhay?
Ng aking mga pighati, lungkot, at pagdurusa?”
Di niyo ba naririnig?
Itong mga bulong na nag-uudyok ng pagsasawa?
Nabibingi na ako
Sa mga sigaw!
Sa hiyaw ng aking damdamin!
Sa silakbo ng takot, galit, hinanakit,
Hapis, paghihirap, at kawalang pag-asa!
Kung ang tinig ko ay tinig niyo rin,
Maaari sana tayong dinggin ng Panginoon
Na siguradong nakasalumbaba na tayong pinapanood.
Literary (Submission): Kung Ang Tinig ko ay Tinig Niyo Rin
Nabibingi na ako,
Sa katahimikan.
Kung saan tayo ay mistulang mga pipi
O bulag
Mga walang malay sa kapaligiran,
O walang balak itong aksyunan,
Tila pinagkaitan ng pakialam.
Nabibingi na ako,
Sa mga bulong
Ng aking mga bayani,
Ng aking mga ninuno.
“Ito ba? Ito ba ang bayan kong pinag-alayan ng aking buhay?
Ng aking mga pighati, lungkot, at pagdurusa?”
Di niyo ba naririnig?
Itong mga bulong na nag-uudyok ng pagsasawa?
Nabibingi na ako
Sa mga sigaw!
Sa hiyaw ng aking damdamin!
Sa silakbo ng takot, galit, hinanakit,
Hapis, paghihirap, at kawalang pag-asa!
Kung ang tinig ko ay tinig niyo rin,
Maaari sana tayong dinggin ng Panginoon
Na siguradong nakasalumbaba na tayong pinapanood.
0 comments: