filipino,

Literary (Submission); UP Fight!

9/11/2018 08:52:00 PM Media Center 0 Comments




“LET’S GO UP!”
Hiyaw ng marami
Simula na ng aming pagsabak
Sa laban ng puso at utak

“One good receive!”
Malakas kong isinigaw
Mabilis ang pagdating at paglakbay ng bola
Ito ang magdidikta kung kami’y pupuntos ba?

“Mine!”
Ang katagang sabay naming ibinulyaw
Mga utak ay tila nagkandaligaw-ligaw
Di na malaman kung sino ang gagalaw

Tumama, dumaplis, at tumalsik ang bola
“Habol!” sigaw ng isa kong kasama
Kumaripas ako ng takbo
At ibinigay ang buong makakaya ko

“Buhay!”
Malakas kong ihiniyaw
Naitaas ko ang bolang halos di na matanaw
May tiyansa pa, may pag-asa pa, kami’y hindi bibitaw

“Paluin niyo!”
Mula sa malayo ay nasilayan ko
Ang paglundag at pagyabag ng mga paa
Heto na, sa wakas, kami’y pupuntos na

“Akin na!”
Buong pusong sigaw ng aking kasama
Malakas niyang hinampas ang bolang mataas
At ang ugong nito’y dinig hanggang labas

Sandaling katahimikan ang bumalot sa kapaligiran
Ngunit kaagad itong sinundan ng tilian at hiyawan
Aming narinig ang sandamakmak na “Nice one!”
“LET’S GO UP!” Para sa ’yo, kami’y lalaban

You Might Also Like

0 comments: