12345,
Doon narinig ang iyong tinig,
Nabighani sa bawat notang inawit,
Sa lahat ng salitang umalo sa akin,
Hiniling na ang sining na aking naulinig ay ‘wag nang magwakas.
Sumikip ang aking dibdib sa himig ng iyong tinig,
Ipinagdasal na sana’y maaari kong ikulong sa isang baul at angkinin; paniguradong habang buhay ko itong pakikinggan.
Ngunit alam kong ito’y isang sakim na kahilingan,
Dahil batid kong ang iyong tinig ay isang sining na nilikha upang marating ang sangkatauhan.
At ang sakim na pag-aasam nito para sa aking sarili ay parang pagnanakaw ng mga bituin sa gabing madilim.
Kunin ang kinang at karimlan ang tanging matitira.
Ang parehong di pagsilay ay kawalan ng saysay ng paglikha.
Kaya’t aking ipinagmamakaawang ika’y kuminang muli katulad ng mga bituin sa langit ng gabi, at nang masaksihan ng buong sangkatauhan ang biyayang sa ‘yo’y nagpapaningning upang kanilang matagpuan din ang pagmamahal na sa iyong tinig ay aking nadama.
Literary: Aking Idolo

0 comments: