doomic,

Literary (Submission): Klase at Bayan

9/25/2018 09:06:00 PM Media Center 1 Comments




Pag-angat ng bayang Pilipinas.

Wow, oo! Tama ka, nakabibighani ang pagpasok ng tunog sa iyong dalawang tainga at ‘di hamak na mas maganda siguro ito sa pakiramdam.

Pero naisip mo na ba kung ano na ang ginawa mo para sa bayan mo?

Ay! Siguro ‘yung pagsagot niyo sa klase niyo sa Filipino 9 at 10 ng mga katagang makabayan! ‘Yung mga pag-iisip niyo ng paraan para umangat ang Pilipinas sa kahirapan, tama ba? Tama! Kasi tayo ang pag-asa ng bayan at babaguhin natin ang Pilipinas dahil ilang henerasyon na ng mga ninuno natin ang di nakagawa nito, hindi ba?

Mali.

Kung sa tingin mo, sasapat na ang mga ‘yan para sa bayan mo, masyado kang inosenteng mag-isip. Akala mo siguro dahil mataas ang grado mo sa Filipino, naging mas makabayan ka na. Masakit pakinggan pero totoo. Bakit? Sa pagsasabi mo ba ng mga ganyang mga makabayang salita na ipinapakita mo sa harap ng guro’t mga kaklase mo, isinasabuhay mo ba ang mga ito? ‘Yung nasyonalismo, naisapupuso mo ba? ‘Yung simpleng pagmamahal sa sariling kulay ng balat, wika, pelikula, mga atleta, at ang mismong pagiging Pilipino? ‘Yung simpleng pagpulot ng basura, pag-iingat ng mga gamit sa eskuwelahan para magamit pa ng mga susunod na henerasyon, at paggawa ng mga tungkulin mo bilang anak at estudyante? Kung ang mga ganitong bagay, di mo magawa-gawa — aba! — masakit sa damdamin, pero isa ka sa mga kanser ng lipunang ito, lalo na kung isa ka sa mga panay lang ang sisi sa gobyerno dahil sa hirap ng buhay pero sa sarili mo, alam mong hindi ka naman kumikilos para sa bayan.

‘Wag ang Pilipinas.

Kung gusto nating lahat na umangat ang bayan dapat sabay-sabay tayong aangat. Hindi ‘yung kapag nakaangat ka nang kaunti, kakalimutan mo na ‘yung iba. Hello?

‘Wag ang Pilipinas.

Ilagay natin ang perspektibo sa klase. Noong una, masaya at mahirap kasi lahat kayo balik sa simula pero noong bandang huli na nakaangat ka na sa iba, ano na ang ginawa mo? Kinutya mo na ‘yung mga walang kapabilidad na makaangat? Brad, intindihin mo na hindi talaga nila kaya. Kahit anong pilit mo sa kanila hindi nila kakayaning mag-isa. Kailangan ba, may pinakamagaling sa klase? Hindi ba mas maganda kung lahat kayo, magaling sa klase ninyo? Hindi ko ‘to sinasabi sa konteksto na buhatin ninyo ‘yung mga pabigat. ‘Yang mga ‘yan, pagsabihan, pero kung ayaw, hayaan na, kasi kanser din sila sa lipunan. Gabayan ninyo ‘yung mga sumusubok kahit na hindi kaya kasi kung iisipin ng bawat isa, itong mga simpleng bagay na ito ang sumasalamin sa pagkatao natin. Kung talagang may pakialam ka sa bayan mo, magkaroon ka ng pakialam sa kaklase mo.

Sabay-sabay kayong umangat! Sabay-sabay tayong umangat!

You Might Also Like

1 comment: