MC2020,
PARA SA MC2021
Talumpati sa MC 2020-2021 Turnover
Mga iginagalang Learning Coordinator, staff ng Media Center 2021, at kapwang staff ng Media Center 2020, magandang hapon.
Bago ang lahat, gusto ko pasalamatan ang MC2021 para sa masiglang MCLive ngayong hapon.
Itong silid kung saan ginaganap ang MCLive ngayon ay masasabi nating tahanan ng UPIS Media Center. Dito nagaganap ang paggawa ng artix, lits, at mga pub mats. Dito nagaganap ang pagplano ng susunod na pub. Dito rin tayo natutulog minsan dahil ang sarap ng aircon. Sa madaling salita, dito tayo nagtatrabaho bilang staff ng Media Center.
Nang sinulat ko ang speech na ito, nahirapan akong mag-isip ng mga pwedeng anecdote, mga experience o kwento, na makakarelate ang lahat dahil sa loob ng MC, napaka iba-iba ang mga trabaho nating lahat.
Mayroon tayong mga manunulat ng artikulo. Kayo ang pundasyon ng MC. Ang mga sinusulat niyo ay ang pinakakailangang malabas sa Ang Aninag Online. Nahahati pa kayo sa section ng News, Sports, Opinion, at Feature. News para sa balita, sports para sa mga palaro, Opinion para sa mga nauukol na paksa, at Feature para sa pagpukaw ng interes ng mga mambabasa. Kung wala kayo, malaking bahagi ang mawawala sa MC.
Mayroon rin tayong mga artist. Kayong mga artist naghahanda ng pub mats natin. Teaser, Banner, Editorial Cartoon, at kung ano pang art related task, kayo ang gumagawa. Dahil sa inyo, nagkakaroon ng buhay ang mga article at lit na pinupub natin.
At mayroon rin tayong mga editor. Kayong mga editor ang nagsisigurado na ang pinupub nating mga article at lit ay ang pinakamataas na kalidad na posible. Sinasalo niyo ang mga nakakaligtaang mali, at tinutulungan niyo ang mga manunulat na pagbutihin pa ang kanilang gawa. Kung wala kayo, hindi natin mapapanatili na ang mga nakaligtaang mali ay matatama.
Pero siyempre, hindi lang tayo isang section naririto ngayong hapon. Nandito ngayon ang MC2021 at MC2020, dalawang magkaibang batch.
Noong unang semestre ng academic year 2019-2020, naging mentor kaming MC2020. Habang tinuturuan kayo, kami ang namahala sa Ang Aninag Online. Patuloy kaming naglabas ng mga article at lits, maliban na lang noong nag-internship. Noong unang semestre, kami ang namahala sa Ang Aninag Online. Ngayong semestre, kayong MC2021 na ang mamamahala sa Ang Aninag Online.
Pero hindi lang naman tayo dapat puro trabaho. Siyempre dapat nagsasaya kayo paminsan-minsan. Magpahinga, makinig sa music, kung may klase na kayo ng Film Appreciation, magfilm showing kayo dito sa MC Room kasi doon lang magiging legal, at kung ano pa na may approval ng ating minamahal na mga LC.
Sa MC, mahalaga ang trabaho, pero mahalaga rin na alagaan niyo ang sarili niyo. Huwag niyong pabayaang maging patong-patong ang deadline. Huwag niyong pilitin ang inyong mga sariling gumawa ng trabahong hindi niyo kaya. Maging tapat sa kaklase niyo, sa LCs niyo, at sa sarili niyo kung ano ang kaya at hindi kayang gawin. Lahat tayo dito sa MC ay isang buong pamilya. Hindi niyo kailangan mahiya humingi ng tulong dahil ‘yun ang point ng pagiging MC. Lahat tayo magtutulungan para makapagpub.
Sa pamamahala ng Ang Aninag Online, inaasahan naming seniors na gagawin niyo ang inyong buong makakaya. Alam namin na kaya niyong maabot ang pinakapotensyal ng inyong kakayahan sa inyong termino. Naniniwala ako at ang buong MC2020, na kayang kaya na ng MC2021 mamahala sa Ang Aninag Online.
–Owen Bernos, EIC 2020
0 comments: